Friday, January 23, 2009

IT'S PACQUIAO-HATTON THIS MAY 2009

BREAKING NEWS... BREAKING NEWS... BREAKING NEWS...

Manny Pacquiao will face Ricky 'The Hitman' Hatton this coming May 2, 2009 in MGM Grand Hotel in Las Vegas!

The National Fist of the Philippines [Pambansang Kamao] himself confirmed the news just this morning, according to the Flash Report aired over GMA 7.

Pacquiao also granted a short interview in Balitanghali [Q Channel 11's newscast] around 20 minutes ago, as of this writing, and confirmed their settled negotiation with Hatton's camp.


...and how big the purse is at stake on this bout? Well, that's Manny has refused to disclose.

Wednesday, January 21, 2009

OBAMA: THE PRESIDENT

The 44th and the first African-American president of the United States of America takes oath and delivers new hope.

Grand entrance for Obama
Barack Obama arrives at his inaguration ceremony.


'We have duties to ourselves'
President Barack Obama says Americans have duties to the nation.


Obama addresses the world
President Obama addresses the Muslim world, foreign leaders, and people of less plentiful countries.

*embedded videos- CNN.com

Tuesday, January 20, 2009

YIE... I GOT THE EYE!

Finally, I saw the article posted today by Mr. Raffy Paredes on his column in Picture Perfect section of Manila Bulletin.

Mr. Paredes tackled cellphone photography and how it is gaining legitimacy among photographers.


He also shared some tips for producing better celfone pics.

One of my photos which I sent out to Mr. Paredes last year was featured in the article.

Ilog sa Ciudad

Monday, January 19, 2009

BIG CALCULATOR, ANYONE?

What do we have here, Ms. Ponyang?

My officemate got this BIG fancy calculator! I just can't help myself but amazed!

Ponyang bought this for only Php250.

This would be literally a big help for near-sighted guys like me hehehe

Meron bang ganyang 'scientific calculator'?

Sunday, January 18, 2009

IT'S MR. RAFFY PAREDES!

Almost 8 months ago, I sent out an email to Mr. Raffy Paredes, a professional photographer and has a weekly column in Manila Bulletin's Picture Perfect section about his passion in photography, of course!

His column entitled 'Through a Lens, Clearly' has been a good guide for many fotogs and hobbyist in the country.

In my letter, I asked Mr. Paredes to adjudge some of my pictures taken thru my NOkia N93 cellphone.

I beg for his opinion... Do I also have 'the eye' for photography? Or is that I am only such pathetic, frustrated fotog?


Yesterday, I received an email from Mr. Paredes... he told me that one of my six (6) pictures will be featured on his column this coming Tuesday, January 20, 2009.

I was surprised!

I had no idea which of my entries was chosen.

Just I hope Mr. Paredes will share his opinion on my pic.

So, if you happen to pass by a newspaper stand, buy a copy now of Manila Bulletin!

Saturday, January 17, 2009

SM GREEN BAGS

Yesterday, I heard this simultaneous launching event of the so-called ‘Green Bag’ of SM Supermalls!

I visited one of Mr. Henry Sy’s ‘babies’ (read: malls)— SM Taytay.



Four of the oozing hot sexy 24K girls (of Kapamilya Deal or No Deal) have graced the launch!


Green Bag is a hard wearing non-woven fabric bag made of 100% polypropylene. Polypropylene is recyclable, non-toxic, allergy-free and non-reactive to human skin.

So, instead of keeping asking for extra plastic bags from the cashier, why don’t we try to use this recyclable bag?

For every P500 single or accumulated receipt purchased at SM mall tenants, a customer may avail one Green Bag for only P35.

Don’t worry… these bags are stylish too!

Green Bag features four exclusive designs of renowned painter Manuel Baldemor.

Baldemor is the one who contributed more than 24 designs for UNICEF’s Christmas greeting cards for 18 years!

Now, here’s another hot stuff… for those SM Advantage Card holders, 2 extra reward points will be given everytime they use the Green Bag for groceries at SM Supermarket!

So, guys, start befriending Mother Earth now… use Limited edition Manuel Baldemor-Designed Green Bag… only at your favorite SM supermalls!

HAGIKGIKAN WITH U.P. COLLEGE OF FINE ARTS

Posted here is a video grab of an astonishing (and very wacky) performance of the faculty members of U.P. College of Fine Arts last December 2008.

The show was part of the first university-wide 'Hagikgikan' festival. One of the performers is a hot mama friend of mine... Prof. Yasmin Almonte-Lantz.



For other parts of this video, just click-on VIDEO-VIDEOHAN under my CONNECTIONS line-up at the sidebar.

Thursday, January 15, 2009

JEHZLAU'S HELPING HAND

Just right this early morning, I got stuck into my computer here in the office.

Sumi-segue sa blogging, browsing the net and looking for stuffs which may could be a big help on my site.

Actually, I'm glad I met this guy-- Jehzlau Laurente of jehzlau-concepts.com. He seems 2 or 3 years younger than me pero napaka-geeky.

I admit, isa ang kanyang blog sa mga kinaiinggitan ko these days... actually, sa kanya pa lang hahaha [sipsip?!?]

Why not, he's the proclaimed king of Philippines' Top 100 Blogs... he got several citations/awards pa to show you.

Buti na lang, Jehz is such a humble and generous guy.

Am looking forward na makilala siya at makahingi pa rin ng tips...as in maraming-marami para malagpasan ko ang kanyang kinikita hehe

NEW PIC NG BLOGGER MO

We have to surrender anew our company IDs for validation.

This time, I decided to apply for a new one (as in bagong-bago). Napakanipis na kasi ng ID ko at kaawa-awa nang tignan.

Yung ID picture ko 'til now ay kinunan pa last 1997 o 1998. This is what I used when I took entrance examination in PUP-Manila.


Of course, yung ibang copy nyan ay ang ginamit sa college ID ko.

Yesterday ako nagpakuha ng bagong ID pic... at iyon ang ibibigay ko for new application.

Matanong ko pala kayo, which pic is better?

Wednesday, January 14, 2009

WHAT DRIVES ME HERE... INTO BLOGGING

Mangangalahati na naman tayo ng buwan.

I'm glad na naging productive na naman ako these days... happier... contented!

Much to my surprise, though last month ko pa napansin, that am getting hook ulit [read: active, more active] sa pagba-blog.

Why do I blog?

Siguro nga ay para maging outlet ko ng mga angst sa buhay, ma-satisfy ko ang sarili sa kakabahagi ng aking opinyon o pananaw sa mga isyu-isyu...

At eto... I acknowledge na simula noong maglagay ako ng tracker sa inyong aking mga bisita-- ginaganahan ako.

Since, ako'y ipinanganak na writer-- di kagalingan though-- eh, normal na sa akin ang makaramdam ng mababaw na kaligayahan sa tuwing nakikita kong may nagbabasa pala ng mga gawa ko... at madadagdagan pa iyon if there's someone will leave his/her comment (good or bad man).

Kulang kasi ako sa pansin hahaha

Lately, I got this chance to surf more blogs... I admit, nainggit ako sa iba sa kanila. They look more geeky[?]... ka-hitech-hitech...

2007 nagsimula akong mag-blog pero til now, nakukulangan ako sa features nito. Buti nga, nag-add-on ang Blogger... na pwede kong magamit pang-dekorasyon dito.

Honestly, pati Adsense, pinatulan ko na kahit na ba parang duda pa rin ako if there's really 'cash' on 'blogging.'

Sensya na kung majority ay Filipino/ Tagalog ang gamit ko rito... napupurol na ako sa English kahit na MassCom graduate ako.

No pretensions here... kaya nga, gusto ko na ulit mag-aral ng English communication... crash course man lang.

Pati, xHTML et al tungkol sa computer, nais kong patusin pag may sobra-sobra akong pera-- so I could improve my blog more!

hayyy...

My pag-asa ba ako?

Tuesday, January 13, 2009

McDO TVC: NAKA-RELATE AKO SA LOVE STORY (HEHE)

Have you seen the latest McDonald's TVC?

Ito po yung gumamit pa ng Eraserheads classic hit-- my favorite, Ang Huling El Bimbo.

In the said TVC, lalaki yung voice-over. He narrates his 'love story'.

Magkikita raw sila ng kanyang childhood/first-ever 'crush' ba (o 'sweetheart') sa kanilang fave hangout (alam nyo na kung saan).

Doon, nag-reminisce sa guy yung mga 'pinagsamahan' nila ng 'bestfriend' nya.


Yung image kasi ng guy sa TVC ay nerdy (bata pa siya pero nung lumaki, medyo-medyo na lang)... kaya, nakakatuwa siguro tignan siya (nung bata) na hila-hila pa siya ng kanyang 'girl-bestfriend' (nung bata pa sila) para maglaro.

Pero, lumipas na ang panahon, magkikita na ulit ang 'nerd' guy at yung kanyang childhood/longtime crush nya.

Excited sya...

eto, na... dumating na si babae... at muli siyang hinila nito mula sa pagkaka-upo nya sa table sa loob ng McDo.

Nope, hindi sila maglalaro-- kundi, much to the bida's surprise, ipinakilala na agad sa kanya ng babae yung kanyang family.

sad...

Pero, sabi nga nung guy nang sila'y magsimulang magkwentuhan ng babae (with her hubby), hindi bale.....
mananatili pa rin sa kanyang puso ang kanyang 'first love.'

Parang ako lang hahaha

Sunday, January 11, 2009

ERASERHEADS REUNION CONCERT PART 2 THIS MARCH!

Good News! Good News! Good News!

Tuloy ulit... yes, another Eraserheads concert is now set!

That's according to the article posted in The Philippine Star website yesterday (via Supreme).

Dubbed as 'The Final Set'... the Eraserheads concert will be on March 7, 2009, produced by MTV and Smart.

Wala pang venue so far.

Saturday, January 10, 2009

TONY de ZUÑIGA: PINOY SUPERHERO

Just last night, I had attended this art exhibit by our 'legendary' Pinoy artist Tony de Zuniga.

He's the first Filipino to ever do illustrations for comic books of Marvel and DC comics.

Respetado si Mr. Tony sa US dahil sa malaki at mahaba-haba nang kontribusyon sa comics doon.

Mas nakilala si Mr. Tony dahil sa pagbuhay niya sa superhero noong 1970s na si Jonah Hex at ang superheroine na si Black Orchid.

Actually, this is his second time to showcase his superheroes such Batman, Spider-Man, Punisher, Red Sonja, Conan, Incredible Hulk and Shanna.

Hindi nga pa rin daw aniya basta-basta malilimutan at maiisnab ang Pilipinas... kaya madalas ang balik niya rito.

Dito siya nagsimula, dito siya nangarap.




Naniniwala rin si Mr. Tony na malaki ang potensyal ng mga Pinoy artist sa industriya ng komiks sa US.

Payo nya, galingan nyo pa ang inyong 'craft'... at sana raw, nasa karera kayong ito dahil sa pagmamahal sa trabaho at hindi sa pera.




You should visit and see Tony de Zuniga's works right now... at nang masabi mong proud ka sa kanya at ika'y "proud to be Pinoy."

For sale din ang mga paintings doon ni Mr. Tony, kaya, punta na!

Kita kits sa The Crucible Gallery ('til January 25) at SM Megamall Bldg. A, Mandaluyong City.

Friday, January 9, 2009

ALABANG BOYS

Sanga-sanga na ang kontrobersya ng Alabang Boys drug case.

Late December nang umingay ito bunsod ng pag-akusa ng PDEA na may tangkang suhulan sila kapalit ng kalayaan ng tatlong drug suspects na nabibilang nga raw sa mga prominenteng pamilya sina Richard Santos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson.

Inire-reklamo rin nila kung bakit nais ng DOJ prosecution team na ma-dismiss ang kaso ng Alabang Boys gayong malakas daw ang kanilang mga ebidensya.



BRODETTS VS. BRODETTS: 1st Pic- Butch and Myra Brodett, magulang ng isa sa Alabang Boys// 2nd Pic- Dave and son Anthony Brodett, nanlaglag pa sa kamag-anak


Sumabit din sa kaso si DOJ Usec. Ricardo Blancaflor na umano'y tumawag sa PDEA Chief para mag-follow-up kung bakit 'di pa raw napapalaya ang mga drug suspect. Ang nasabing opisyal din daw ang may pakana ng draft release order na nais ipapirma kay DOJ Sec. Raul Gonzalez (buti hindi napirmahan). Napag-alaman ding ang release order na pinapipirma ay gawa ng abogado ng Alabang Boys na si Atty. Felisberto Verano Jr.

Sa paggulong ng imbestigasyon, lumantad na rin ang ilang kamag-anak ng isa sa mga drug suspect. Kanilang pinatotohanan na ang nakakulong nilang kapamilya ay gumagamit daw talaga at nagtutulak ng droga.

Lahat ng ito, mariing pinabubulaanan ng kampo ng Alabang Boys.

+++

May kahihinatnan ba ang kontrobersyang ito?

Sana, pabor sa atin.
Teka, tatanungin nyo ba ako kung ano ang posisyon ko rito? ahmmm...


===BAYANI: Major Ferdinand Marcelino, PDEA agent, nanguna sa pagdakip sa Alabang Boys at nagbuko sa umano'y suhulan sa kaso====



Una, naniniwala ako na 'guilty' ang kampo ng Alabang Boys sa kanilang kasong kinakaharap pati na ang kanilang mga kaanak na inaakusahan namang nanunuhol.

Ikalawa, naniniwala ako na 'nabayaran' ang DOJ prosecution team sa nasabing kaso.

Ikatlo, naniniwala ako na 'illegal,'unethical,' at 'immoral' (anuman ang itawag nyo) ang ginawa ng abogado ng Alabang Boys na draft release order na ipapi-pirma sa DOJ secretary! Dapat siyang ma-disbar!

pero Ika-apat, naniniwala ako na 'di uusad ang reklamo laban sa nasabing abogado... sa tono kasi ng mga pahayag ni DOJ Sec. Gonzalez, parang wala lang... masabi lang siguro na nagalit siya hehe

e di ba, inamin naman noon ng DOJ secretary na naka-usap niya personal ang kampo ng mga suspek para sa kalayaan daw ng mga ito. Although, hindi naman daw siya nagpa-asa... pero nakakalungkot na pag prominenteng tao ka o kabilang sa mayamang pamilya-- madali lang pala lumapit sa tanggapan ng DOJ.

Naalala ko tuloy ang kaso nina Piolo Pascual at Sam Milby. Few days after nang bumisita sila sa DOJ at nagpa-photo op pa kay DOJ sec... eh, nakipagkasundo na si Lolit Solis sa dalawa para hindi na umusad pa ang kasong libel laban sa kanya.

Back to the topic--
sana nga maganda ang 'ending' ng istoryang ito... sana, lumutang ang katotohanan.
Sana, matigil na ang ganitong insidente... buti na lang, may mga bayani pa rin tayo, nandun... sa PDEA.

WATCH LEHMAN & IRISH

I just can't resist but 'videotape' these little creatures, one boring Thursday morning after my work.

At nataon na nag-swak naman that time ang pinatutugtog sa radyo... pang-movie theme song 'ika nga sa binubuo kong dokyu.

Hope you'll like it... at least, ma-cute-tan lang kayo hahaha

Thursday, January 8, 2009

PURPLE/ VIOLET TOPS



Since I bought this purple/violet-colored top early December, hindi ko alam kung matutuwa pa ako na isuot ito these days.

Bakit?

Paano kasi uso na pala siya!

I was still surprised when learned from a TV news program (ABS-CBN2) na isa ang violet/purple sa mga kulay na magdo-dominate this 2009.

Hindi kataka-taka, kaliwa't kanan halos, kada tuntong ko na yata sa kanto ay may makikita akong naka-violet-- mapa-lalaki o babae.


Anyway, buti na lang, binati ako ni Ms. Regine Tolentino na bagay daw sa akin ang shirt kong violet hehe... pwes, itutuloy ko ang pagsusuot nu'n!

BUY PINOY

Year 2008 has truly been a year of sacrifice for many.

Well, at least, for those who lives in US and Europe... affected by global financial crisis.

Sa totoo lang, kung ikukumpara sa kanila, Philippines strives.

Kitang-kita naman sa nagdaaang Kapaskuhan, Pinoys flocked to malls!

Partida, when you ask each of these shoppers, they'll insist na nagtitipid na sila nu'n hehe

This year, warned by some economists, slowdown in our economy continues.

Aminin man natin, mas mahirap na nga ang buhay ngayon kaya dapat magtipid.

Paano nga ba makatutulong sa Pilipinas para magpatuloy ang magandang status ng ekonomiya nito (at least) compared to other countries?

Simple lang daw, BUY LOCAL PRODUCTS!

Kahit na raw ba nakakatipid tayo sa mga ukay-ukay store, wag muna nating tangkilikin ang mga ito.

Ang paliwanag dito, dahil karamihan smuggled goods kasi ang mga tinitinda roon at dahil walang buwis na binabayaran sa pagpasok nila rito sa bansa.

Pag sinabi nating BUY LOCAL PRODUCTS, dapat Pinoy-made!

Kaya nyo ba iyon?

Wednesday, January 7, 2009

LEHMAN, IRISH & BOO, THE FANCY RAT

According to some feng shui experts-- buenas, swerte, lucky ang aming bagong pet na sina Lehman at Irish (Campbell Hamsters) for this year!

Na-surprise ako at natuwa hehe

Yung iba nga kasi, minamaliit nila ang aking mga alaga since I bought them last October (2008).

Pagde-detalye pa ng mga feng shui expert, rats and their kind (so, in-assume ko na kauri ng daga sina Lehman at Irish hahaha) ang closest friend ng Ox (Year of the Brown Ox ngayon).

Paliwanag pa nila, rats symbolize unity. Kaya kung ang mga aso at pusa ay wealth-protector... ang mga daga naman daw ay taga-bond ng family!

Na-meet ko pala si Mr. Noel Rafael ng Avilon Zoo at pinakilala niya ang mga alaga nilang fancy rats.

Ang nasa pic ay ang breeder ng angkan ng fancy rats sa Avilon na si Boo.

Medyo nag-alangan nga ako kay Boo dahil wala siyang pinagkaiba halos sa dagang bahay pero sabi ni Mr. Noel-- it behaves naman like hamster.

Buti na lang, stick na ako kina Lehman (brown one, pic below) at Irish (white one, pic below)


USAPANG BUHOK-BUHOK



May nabasa akong article regarding the fad na pagpapatubo ng facial hair among guys.

Sa totoo lang, last year pa iyan.

Isa na ako sa nagpasyang magpatubo ng goatee pero di naman siya pahaba/pababa ang tubo.

Mas gusto ko yung parang mabalahibo lang.

Nababagot lang ako kadalasan dahil kung anong bilis ng paghaba ng buhok ko sa ulo ay siya namang bagal sa aking baba (chin) paakyat sa patilya.

Pero naisip ko, parang di rin bagay sa akin iyon.

Better kung hanggang chin na nga lang talaga.

Sunday, January 4, 2009

RACE TO THE GYM

Festive mood with marvelous meals prepared... how could anyone resist na kumain last yuletide season?

Kaliwa't kanan... sino ang hindi raw mabubundat maliban sa kapos/wala talagang makain/ makainan?

Ngayong buwan, hindi ako magtataka kung isa ka sa mga nanaba... at naghahanap ng right diet o any tip to LOSE WEIGHT FASTER!

For guys, malamang, pinaka-concern ang pagtatapyas ng belly... para makamtan ang ABS o maski FLAT STOMACH man lang.

Best option for us is... go to the gym!

Nitong last quarter ng 2008, napapansin ko sa maraming websites ang paglipana ng ad, yung litanyang iyan, gaya sa ibaba... 5 Tips for a Flat Stomach... magaling yung may pakana nyan, alam nyang tyumempo hehe.

Sa mga girls, aerobics pa rin ang pinaka-safe naman para mag-gain ulit ng beautiful body. Matagal man bago makita ang epekto, at least, di ka pa mabubutasan ng bulsa. All you have to do ay observe diet.

Marami pala talagang klase ng diet gaya ng nasagap ko sa www.shapefit.com...

may binanggit doon tungkol sa Jerusalem diet, Shangri la, Tortoise, Travelers, 3 Hour at Raw Crunch diet. Linawin ko lang, mga books iyan tungkol sa pagdi-diyeta.
Though, mas mahalaga pa rin ang magpakonsulta sa doktor bago sumunod sa kung anu-anong diet, even t'was recommended by your closest friend!

Nakakatuwa ano, after ng season ng paglapa natin [salbahe ako] ng masasarap na pagkain ay heto, halos marami ang iiyak sa pagtitiis ngayon sa pag-take ng mga halos-walang lasa o 'di tipikal na pagkain na nakasanayan sa araw-araw... kakain ka na lagi ng boiled egg white, oats, steamed carrot o celery stick. Bawal na muna softdrinks, beer, fatty foods ulit, sweets na talagang inenjoy mo last month.

Anu't anuman ang decision nyo to lose weight and look good this year, just always consider several things muna para di naman malagay sa alanganin ang health mo... at baka nga naman di mo ma-sustain din kalaunan because of money... at syempre, lahat ng iyan magagawa mo rin if you observe discipline. Marami nang tao ang nagpatunay nyan kahit wala ang tulong ng mga pills o surgery.

Buti na lang, di ko yan concern... kundi ang magpataba!

If I could only ask for your excess fats and put it in my body, bubuksan ko na ang aking tanggapan para sa inyong donation hehehe

Friday, January 2, 2009

SHORT OF MONEY

Lumipas na ang mahabang holiday!



Tapos na ang Christmas... nagsara na ang 2008... nag-hello na ang bagong taon!

Back to normal na ang lahat sa paligid.

Nagwakas na ang 'pandaraya' natin sa ating mga sarili sa pagiging masayahin at galante sa kabila ng paghihigpit ng sinturon sa buong taon.



Umpisa ngayong araw, magiging matao na ang mga lansangan, opisina... maba-bakante muli ang mga tirahang minsan sa isang taon ay napagsama-sama ang buong mag-anak.

Dahil wala na tayong pera... mali ba ako?

Katunayan, muli tayong kakayod sa pagta-trabaho para sa pera... well, at leaast, para rin naman sa pamilya.

Ang iba pa nga, maghahanap ng raket, extra-income.

Ang ilan, kakapit muli sa patalim.

Ganyan naman tayo.

Sabagay, ang importante, we know the risk sa bawat desisyong ginagawa... kung hindi, may iba ka bang sisisihin?

February na next month, maglalabas ulit ng budget ang marami alinsunod sa dikta ng Valentine's Day.

Iyon ay kung hindi pa rin natin mararamdaman ang sinasabing epekto sa Pilipinas ng global financial crisis.

Thursday, January 1, 2009

HELLO... 2009 NA

Hindi gaya rati, mas kaunti ang handa namin nitong media noche.

Hindi gaya rati, mas kaunti na ang nagpaputok... palibhasa rin siguro, dahil umulan- basa ang paligid.

Parang malungkot tuloy... kaya, kami inilabas namin ang speakers at nagpatugtog kami nang malakas.

Nag-ala-DJ ako with the help of our computer... kinarir ko ang pagma-magic sa music lalo pa't pang-disco/trance/techno ang pinasabog namin!

+++
Hindi rin gaya rati, mas nalasing ako kagabi, Red Horse beer ang tinira... few hours before 12 midnight.

E, may pasok din ako...

Around 1 a.m. dumating na ang service van namin.

Along our way, kapansin-pansin ang almost zero visibility ng kalsada dahil sa makapal na smog, epekto ng mga paputok.


May katagalan din bago nawala ang smog dahil nga sa maulang panahon kagabi.

As of this writing, I'll gonna extend my stay here in the office dahil may tinanggap akong raket... more income hehe

Although, ayoko sana... pero, kumagat na rin ako para 'ika nga ay good start ng 2009 para sa akin.