Sunday, January 4, 2009

RACE TO THE GYM

Festive mood with marvelous meals prepared... how could anyone resist na kumain last yuletide season?

Kaliwa't kanan... sino ang hindi raw mabubundat maliban sa kapos/wala talagang makain/ makainan?

Ngayong buwan, hindi ako magtataka kung isa ka sa mga nanaba... at naghahanap ng right diet o any tip to LOSE WEIGHT FASTER!

For guys, malamang, pinaka-concern ang pagtatapyas ng belly... para makamtan ang ABS o maski FLAT STOMACH man lang.

Best option for us is... go to the gym!

Nitong last quarter ng 2008, napapansin ko sa maraming websites ang paglipana ng ad, yung litanyang iyan, gaya sa ibaba... 5 Tips for a Flat Stomach... magaling yung may pakana nyan, alam nyang tyumempo hehe.

Sa mga girls, aerobics pa rin ang pinaka-safe naman para mag-gain ulit ng beautiful body. Matagal man bago makita ang epekto, at least, di ka pa mabubutasan ng bulsa. All you have to do ay observe diet.

Marami pala talagang klase ng diet gaya ng nasagap ko sa www.shapefit.com...

may binanggit doon tungkol sa Jerusalem diet, Shangri la, Tortoise, Travelers, 3 Hour at Raw Crunch diet. Linawin ko lang, mga books iyan tungkol sa pagdi-diyeta.
Though, mas mahalaga pa rin ang magpakonsulta sa doktor bago sumunod sa kung anu-anong diet, even t'was recommended by your closest friend!

Nakakatuwa ano, after ng season ng paglapa natin [salbahe ako] ng masasarap na pagkain ay heto, halos marami ang iiyak sa pagtitiis ngayon sa pag-take ng mga halos-walang lasa o 'di tipikal na pagkain na nakasanayan sa araw-araw... kakain ka na lagi ng boiled egg white, oats, steamed carrot o celery stick. Bawal na muna softdrinks, beer, fatty foods ulit, sweets na talagang inenjoy mo last month.

Anu't anuman ang decision nyo to lose weight and look good this year, just always consider several things muna para di naman malagay sa alanganin ang health mo... at baka nga naman di mo ma-sustain din kalaunan because of money... at syempre, lahat ng iyan magagawa mo rin if you observe discipline. Marami nang tao ang nagpatunay nyan kahit wala ang tulong ng mga pills o surgery.

Buti na lang, di ko yan concern... kundi ang magpataba!

If I could only ask for your excess fats and put it in my body, bubuksan ko na ang aking tanggapan para sa inyong donation hehehe

No comments: