Thursday, January 1, 2009

HELLO... 2009 NA

Hindi gaya rati, mas kaunti ang handa namin nitong media noche.

Hindi gaya rati, mas kaunti na ang nagpaputok... palibhasa rin siguro, dahil umulan- basa ang paligid.

Parang malungkot tuloy... kaya, kami inilabas namin ang speakers at nagpatugtog kami nang malakas.

Nag-ala-DJ ako with the help of our computer... kinarir ko ang pagma-magic sa music lalo pa't pang-disco/trance/techno ang pinasabog namin!

+++
Hindi rin gaya rati, mas nalasing ako kagabi, Red Horse beer ang tinira... few hours before 12 midnight.

E, may pasok din ako...

Around 1 a.m. dumating na ang service van namin.

Along our way, kapansin-pansin ang almost zero visibility ng kalsada dahil sa makapal na smog, epekto ng mga paputok.


May katagalan din bago nawala ang smog dahil nga sa maulang panahon kagabi.

As of this writing, I'll gonna extend my stay here in the office dahil may tinanggap akong raket... more income hehe

Although, ayoko sana... pero, kumagat na rin ako para 'ika nga ay good start ng 2009 para sa akin.

No comments: