Friday, January 9, 2009

ALABANG BOYS

Sanga-sanga na ang kontrobersya ng Alabang Boys drug case.

Late December nang umingay ito bunsod ng pag-akusa ng PDEA na may tangkang suhulan sila kapalit ng kalayaan ng tatlong drug suspects na nabibilang nga raw sa mga prominenteng pamilya sina Richard Santos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson.

Inire-reklamo rin nila kung bakit nais ng DOJ prosecution team na ma-dismiss ang kaso ng Alabang Boys gayong malakas daw ang kanilang mga ebidensya.



BRODETTS VS. BRODETTS: 1st Pic- Butch and Myra Brodett, magulang ng isa sa Alabang Boys// 2nd Pic- Dave and son Anthony Brodett, nanlaglag pa sa kamag-anak


Sumabit din sa kaso si DOJ Usec. Ricardo Blancaflor na umano'y tumawag sa PDEA Chief para mag-follow-up kung bakit 'di pa raw napapalaya ang mga drug suspect. Ang nasabing opisyal din daw ang may pakana ng draft release order na nais ipapirma kay DOJ Sec. Raul Gonzalez (buti hindi napirmahan). Napag-alaman ding ang release order na pinapipirma ay gawa ng abogado ng Alabang Boys na si Atty. Felisberto Verano Jr.

Sa paggulong ng imbestigasyon, lumantad na rin ang ilang kamag-anak ng isa sa mga drug suspect. Kanilang pinatotohanan na ang nakakulong nilang kapamilya ay gumagamit daw talaga at nagtutulak ng droga.

Lahat ng ito, mariing pinabubulaanan ng kampo ng Alabang Boys.

+++

May kahihinatnan ba ang kontrobersyang ito?

Sana, pabor sa atin.
Teka, tatanungin nyo ba ako kung ano ang posisyon ko rito? ahmmm...


===BAYANI: Major Ferdinand Marcelino, PDEA agent, nanguna sa pagdakip sa Alabang Boys at nagbuko sa umano'y suhulan sa kaso====



Una, naniniwala ako na 'guilty' ang kampo ng Alabang Boys sa kanilang kasong kinakaharap pati na ang kanilang mga kaanak na inaakusahan namang nanunuhol.

Ikalawa, naniniwala ako na 'nabayaran' ang DOJ prosecution team sa nasabing kaso.

Ikatlo, naniniwala ako na 'illegal,'unethical,' at 'immoral' (anuman ang itawag nyo) ang ginawa ng abogado ng Alabang Boys na draft release order na ipapi-pirma sa DOJ secretary! Dapat siyang ma-disbar!

pero Ika-apat, naniniwala ako na 'di uusad ang reklamo laban sa nasabing abogado... sa tono kasi ng mga pahayag ni DOJ Sec. Gonzalez, parang wala lang... masabi lang siguro na nagalit siya hehe

e di ba, inamin naman noon ng DOJ secretary na naka-usap niya personal ang kampo ng mga suspek para sa kalayaan daw ng mga ito. Although, hindi naman daw siya nagpa-asa... pero nakakalungkot na pag prominenteng tao ka o kabilang sa mayamang pamilya-- madali lang pala lumapit sa tanggapan ng DOJ.

Naalala ko tuloy ang kaso nina Piolo Pascual at Sam Milby. Few days after nang bumisita sila sa DOJ at nagpa-photo op pa kay DOJ sec... eh, nakipagkasundo na si Lolit Solis sa dalawa para hindi na umusad pa ang kasong libel laban sa kanya.

Back to the topic--
sana nga maganda ang 'ending' ng istoryang ito... sana, lumutang ang katotohanan.
Sana, matigil na ang ganitong insidente... buti na lang, may mga bayani pa rin tayo, nandun... sa PDEA.

No comments: