Wednesday, January 14, 2009

WHAT DRIVES ME HERE... INTO BLOGGING

Mangangalahati na naman tayo ng buwan.

I'm glad na naging productive na naman ako these days... happier... contented!

Much to my surprise, though last month ko pa napansin, that am getting hook ulit [read: active, more active] sa pagba-blog.

Why do I blog?

Siguro nga ay para maging outlet ko ng mga angst sa buhay, ma-satisfy ko ang sarili sa kakabahagi ng aking opinyon o pananaw sa mga isyu-isyu...

At eto... I acknowledge na simula noong maglagay ako ng tracker sa inyong aking mga bisita-- ginaganahan ako.

Since, ako'y ipinanganak na writer-- di kagalingan though-- eh, normal na sa akin ang makaramdam ng mababaw na kaligayahan sa tuwing nakikita kong may nagbabasa pala ng mga gawa ko... at madadagdagan pa iyon if there's someone will leave his/her comment (good or bad man).

Kulang kasi ako sa pansin hahaha

Lately, I got this chance to surf more blogs... I admit, nainggit ako sa iba sa kanila. They look more geeky[?]... ka-hitech-hitech...

2007 nagsimula akong mag-blog pero til now, nakukulangan ako sa features nito. Buti nga, nag-add-on ang Blogger... na pwede kong magamit pang-dekorasyon dito.

Honestly, pati Adsense, pinatulan ko na kahit na ba parang duda pa rin ako if there's really 'cash' on 'blogging.'

Sensya na kung majority ay Filipino/ Tagalog ang gamit ko rito... napupurol na ako sa English kahit na MassCom graduate ako.

No pretensions here... kaya nga, gusto ko na ulit mag-aral ng English communication... crash course man lang.

Pati, xHTML et al tungkol sa computer, nais kong patusin pag may sobra-sobra akong pera-- so I could improve my blog more!

hayyy...

My pag-asa ba ako?

1 comment:

Jehzeel Laurente said...

you don't need to be good in english, ako nga mali mali ang grammar ko sa blog pero tuloy parin hanggang sa mag improve ka day after day. dati puro tagalog din mga post ko, pero tinry ko mag english kahit mahirap for me. Super hirap talaga kasi di ako sanay mag english, pero sa katagalan , medyo nasasanay na din at nakikita mo na din kung anong mali mo, pero di maiiwasang may mali parin :D

about XHTML/CSS di din ako marunong dati, pero pag palagi mong kaharap yan madali lang ma22nan :D mas madali pa yan sa english, as in :)

I'll add you in my blogroll na under cool new friends :D welcome sa mundo ng blogging! :D