Friday, January 2, 2009

SHORT OF MONEY

Lumipas na ang mahabang holiday!



Tapos na ang Christmas... nagsara na ang 2008... nag-hello na ang bagong taon!

Back to normal na ang lahat sa paligid.

Nagwakas na ang 'pandaraya' natin sa ating mga sarili sa pagiging masayahin at galante sa kabila ng paghihigpit ng sinturon sa buong taon.



Umpisa ngayong araw, magiging matao na ang mga lansangan, opisina... maba-bakante muli ang mga tirahang minsan sa isang taon ay napagsama-sama ang buong mag-anak.

Dahil wala na tayong pera... mali ba ako?

Katunayan, muli tayong kakayod sa pagta-trabaho para sa pera... well, at leaast, para rin naman sa pamilya.

Ang iba pa nga, maghahanap ng raket, extra-income.

Ang ilan, kakapit muli sa patalim.

Ganyan naman tayo.

Sabagay, ang importante, we know the risk sa bawat desisyong ginagawa... kung hindi, may iba ka bang sisisihin?

February na next month, maglalabas ulit ng budget ang marami alinsunod sa dikta ng Valentine's Day.

Iyon ay kung hindi pa rin natin mararamdaman ang sinasabing epekto sa Pilipinas ng global financial crisis.

No comments: