Just last night, I had attended this art exhibit by our 'legendary' Pinoy artist Tony de Zuniga.
He's the first Filipino to ever do illustrations for comic books of Marvel and DC comics.
Respetado si Mr. Tony sa US dahil sa malaki at mahaba-haba nang kontribusyon sa comics doon.
Mas nakilala si Mr. Tony dahil sa pagbuhay niya sa superhero noong 1970s na si Jonah Hex at ang superheroine na si Black Orchid.
Actually, this is his second time to showcase his superheroes such Batman, Spider-Man, Punisher, Red Sonja, Conan, Incredible Hulk and Shanna.
Hindi nga pa rin daw aniya basta-basta malilimutan at maiisnab ang Pilipinas... kaya madalas ang balik niya rito.
Dito siya nagsimula, dito siya nangarap.
Naniniwala rin si Mr. Tony na malaki ang potensyal ng mga Pinoy artist sa industriya ng komiks sa US.
Payo nya, galingan nyo pa ang inyong 'craft'... at sana raw, nasa karera kayong ito dahil sa pagmamahal sa trabaho at hindi sa pera.
You should visit and see Tony de Zuniga's works right now... at nang masabi mong proud ka sa kanya at ika'y "proud to be Pinoy."
For sale din ang mga paintings doon ni Mr. Tony, kaya, punta na!
Kita kits sa The Crucible Gallery ('til January 25) at SM Megamall Bldg. A, Mandaluyong City.
No comments:
Post a Comment