Tuesday, December 2, 2014

REVIEW: THE HALF SISTERS

Masasabing nasa Book 2 na ang GMA afternoon teledrama na The Half Sisters. 

Last June nagsimula ang nabanggit na palabas na pinagbibidahan ng dalawang teen stars- Barbie Forteza at Thea Tolentino. Umiikot ang istorya sa magkapatid na Diana (Barbie) at Ashley (Thea) na nadiskubreng magkaiba ang kanilang ama kahit sila ay kambal.

Ang kaso ng magkapatid ay tinatawag na heteropaternal superfecundation - isang bihirang kondisyon ng pagka-fertilized sa egg ng babae ng sperm mula sa dalawang magkaibang lalaki. Ang ama ni Ashley ay ang "tunay" na mister ni Rina (played by Jean Garcia) na si Alfred (Ryan Eigenmann) habang si Benjie (Jomari Yllana) ang ama ni Diana. Ginahasa kasi ni Benjie noon si Rina. Dati silang magkasintahan.

Ang kondisyon nina Diana at Ashley ang mistulang mitsa sa masalimuot na relasyon nina Rina at Alfred.
Ito rin ang masasabing dahilan ng hindi magandang relasyon ng mismong magkapatid. Lalo pa itong nagsanga-sanga sa pagku-krus ng landas ni Rina at ni Benjie na nakalaya na mula sa pagkakulong dahil sa panggagahasa sa una.

Ang tunggalian ng dalawang ama ay nauwi sa pagkagahaman ni Alfred...sa pagtuturo sa kanyang anak na si Ashley na maging makasarili at ilagay ang kanilang mga sarili sa di-makatwiran at di-makataong pagtrato kina Rina at Diana.

Ang claim ng GMA, number 1 sa afternoon TV ratings ang The Half SistersSabagay, makailang-beses naman ding sinasang-ayunan ng daily ratings na inilalabas ng Kantar, ang ratings service provider ng ABS-CBN. 

Nahahalintulad ko tuloy ang THS sa potensyal nitong maging popular gaya ng original Mara Clara na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Kaunting push pa siguro at puwede na ring isugal ng GMA ang THS na ilipat ang timeslot nito sa primetime na siyang ginawa noon ng ABS sa Mara Clara bilang tangkang pagpapataob sa Marimar/Thalia mania ng RPN-9.

Kung anuman ang nagpapahatak sa maraming viewers ang teledramang ito ay typical formula - dating api na ngayo'y lumalaban; catfight; pangangaliwa ni mister; paghihiganti ni legal wife at love triangle. In-acknowledge natin ang ilang twists sa istorya. Hindi naman aabot sa Book 2 ang THS kung napabayaan ito.

Screenshot from www.gmanetwork.com


Puna ko lang ang ilang 'sabit' sa production gaya ng malimit na pag-blur sa set gaya ng poster sa canteen, plaka ng sasakyan at product brands. Sino ba ang toka sa set design para maiwasan agad ang dapat iniiwasang brand? Kung nagkagipitan na, wala bang safe shots na kayang gawin ang director? Maiintindihan ko kung news program iyan pero sa isang TV drama - parang big turn off ang blur.

Ilang bahagi rin ng scripts ang palyado-- nakakabobo minsan. Naalala ko yung eksenang nahimatay si Diana sa loob ng isang subdivision area. Sa elevated at puno ng Bermuda grass natumba ang dalagita. 

Napadaan sa lugar ang sasakyang naroon si Rina. Bumaba siya para masilip at sana'y matulungan ang di nakikilalang anak niya pala. Nang lalapit na si Rina, wow... biglang sulpot (nanakbo) ang may apat na tao (isang ale at tatlong binatilyo) at diretso silang lapit at pumalibot kay Diana?!? 

Patok sa maraming viewers ang catfight nina Diana at Ashley. Makailang-beses itong nasasaksihan sa loob ng eskwelahan pero bakit wala man lang kahit konting eksena ang mga guwardiya?!

One time, nakapunta rin sa school lobby si Rina kasama ni Diana para suyuin si Ashley na magkasundo na ito at ang kanilang ina. Nagkaroon ng komosyon... pero wala ni isang guwardiya o teacher na sumuway.

Late naman ang responde nila sa isang maliit na sunog sa loob ng canteen. Nakapagtatakang late na nga, ang tanging ginawa ng mga guwardiya ay huwag magpapasok ng mga usisero. Take note, walang naiwang sinumang nakatatanda o guwardiya o maski head kusinero sa canteen para kahit paano ay apulain ang apoy sa pamamagitan man lang ng fire extinguisher.

I also remember what Audrey and Ailyne told me na ang bulag na si Rina-- in fairness, madalas ay maayos ang makeup lalo sa kanyang mga mata. "Buti, may time pa siyang magpaganda nang husto ah?" Hindi rin nakaligtas ang eksenang nasugatan si Rina sa nabasag na pinggan. Kasabay kasi ng pagsambit niya ng linya ay animo'y pag-muwestra niya sa bahagi ng kanyang kamay na nasugatan... na base sa impresyon ng kasamahan kong nakapanood ay parang alam na ni Rina kung nasaan eksakto ang natamong sugat.

Hindi na siguro ako magtataka kung nao-overlook ng writers ng THS ang ilang elements na para sa ilang viewers ay hindi raw kapani-paniwala o kaya'y nakakabobo. Kinukulang ba sila sa oras sa pagbuo ng mga susunod na eksena o pagdo-double check sa mga script? 

Sumatutal, hindi maikakaila, pinapanood pa rin namin ang teledramang ito for entertainment... pero sana, hindi lang dahil may nakikita kaming weirdo o maling execution sa eksena.

2 comments:

Anonymous said...

Isang makabuluhang interpretasyon ng The Half Sisters, kuya Wilson. Sana po ay makuha na ni Diane ang saya na matagal nang kinuha mula sa kanya. At sana makuha ni Ashley ang karapatang parusa sa mga nagawa niya. Nasaan po pala si Benjie? Lumalangoy pa rin sa dagat? More power THS.

Auds said...

Kuha talaga niya ang hinahanap ng mga audiences na mahilig sa telenovela: ang drama sa pagitan ng mahirap at mayaman.

Pero sana naman kasing ganda ng production nila ang mga damit ni Ashley! HAHA. Minsan talaga, mukang minadali.