Thursday, November 6, 2014

TECHNICAL ERROR NG GLOBE... DISHONESTY



Sa apat na taon kong pagiging Globe Postpaid subscriber, ngayon lang ako naburaot sa kanila.

Tapos na ang isa kong kontrata at plano kong magpa-recontract at i-avail ang bagong smartphone. In the past 2 weeks, ilang customer hotline agents ng Globe ang nakausap ko at humingi ng details sa possibility ng pag-avail ko sa offer.

Heto ang offer para sa gaya ko raw na matagal nang Globe subscriber, for Plan 999 plus presyo ng handset ay puwede ko palang makuha na walang cashout. Ikakarga ang handset price sa magiging monthly billing ko. So, kinagat ko, finally, the reservation done last October 31 at mapi-pickup ko raw ang unit on November 7.

Last Wednesday morning (November 5), tinopak lang ako na tumawag ulit sa Globe hotline at i-followup ang possible arrival na ng bagong phone ko. Doon lang sa akin sinabi ng agent na may "technical error" na nangyari raw sa reservation ko.

Hindi na raw sila nag-o-offer ng "no cashout" sa loyal subscribers; instead, icha-charge ito sa credit card. Nagalit ako, pina-cancel ko na ang reservation.



Late afternoon, same day, tumawag ulit ako sa hotline, doon ako naglabas ng galit. Nag-apologized naman ako paulit-ulit sa agent na sumagot sa akin pero alam ko naman kasi na nire-record ang conversation namin kaya sinamantala kong mag-diretso singhal sa kanila-- mga matalinong tao na nag-imbento ng "technical error" kuno. Negosyanteng-negosyante ah. Eh, huwag naman tayong garapal sa kaswapangan ha kahit minsan. Palibhasa, alam nyong hindi agad kakalas sa inyo ang customer or I should say, you don't care at all kasi may darating din namang kapalit di ba?

Technical error ng Globe... dishonesty on their customers.

Paliwanag naman ng agent, late na raw ang change of rule sa kanila. Whoah, ambilis ha... from October 31 kung kailan nag-start ang pagtanggap ng Globe ng reservations for the smartphone?!? Ang nakakaasar, kung hindi pa ako tumawag ay saka nila sasabihin sa akin?

How clever, last November 3 (Monday), may tumawag pa sa akin na Globe agent at kinunan ako ng sangkatutak na feedback sa kanilang customer hotline services.

Anyway, pinag-iisipan ko pang tuluyang huwag nang i-renew ang kontrata. Mayroon pa naman akong other line na Globe rin although mas mababa ang plan. Yeah, I know, wonderful pa rin ang mundo ng Globe hahaha

No comments: