Sunday, May 29, 2016

DUTERTE-ROBREDO: LOVE ME, HATE ME RELATIONSHIP?


Mukhang naiintriga na ang marami sa magiging papel ni VP Leni Robredo sa Duterte Administration. Nae-excite lalo ang mga maka-Leni. May mga nadidismaya, for now, dahil sa pahayag ni President Duterte na wala pa siyang maisip na posisyong maiaalok sa bise.

May bago ba?
Kung matatandaan, last year, sinabi ni Leni na hindi niya raw gusto ang iron-clad leadership style ni Duterte. Nang hingan ng reaksyon si Digong, sinabi nitong hindi niya pakikialamanan ang Naga City at hindi raw ipipilit doon ang kanyang style of leadership.

 But recently, siguro nung nagkakalinaw nang Duterte-Robredo ang resulta, nagpahayag si Leni sa media na she vows 100% support kay Digong dahil obligasyon daw nya iyon. 

Bilang reaksyon nang tanungin ulit ng media, nag-joke lang si DU30 na "pwedeng assistant secretary" si Leni pero binawi niya rin ito at sinabing wala raw siyang maisip na cabinet post for her VP.

Masasabing walang halong kaplastikan si Digong nang igiit na magtatalaga ka ng appointee na kakilala o kilala mo nang personal at alam mo ang husay niya. Jusme, alam nating lahat na pribilehiyo ito ng bawat Pangulo ng bansa even Cory Aquino. Walang bago sa KKK o yung mga kama-kamag-anak, kaibi-kaibigan at kumpa-kumpare. Nagiging isyu na lang ito kapag nabalot na ng anomalya ang isang ahensya. Wag tayong selective sa usaping ito. Hindi nyo naman puwedeng sabihin na ang cabpost ni Cory ay malilinis at mahuhusay lahat... at di niya pinagkakautangan ng loob.

Personally, hindi ako naniniwala sa utang na loob... pero hayan, nandiyan na sa Malakanyang lagi ang kalakaran na yan.

Sa isa pang artikulo ng Inquirer, inungkat ang kasaysayan na kung sakaling wala ngang maibigay na posisyon si DU30 kay Leni... hindi na rin iyon bago.

Si Joseph Estrada, noong siya'y vice president ni noo'y Pres. Fidel Ramos... itinalaga bilang chairman ng Presidential Anti-Crime Commission... hindi nga lang ito cabinet post.

Kung may maibigay pa rin naman kay Leni, posibleng hindi na nga lang cabpost.

Let's wait and see. Maganda rin ang portfolio ni Leni, yun nga lang, nagpauna na kasi siya ng maanghang na panlasa kay DU30. Ayaw naman nating sisihin pa ang nasabing biyuda ng namayapang DILG Secretary... pero hindi rin makatwiran kung kakastiguhin si DU30 kung siya man ay nasaktan at gaganti sa pamamagitan ng 'di pagbibigay ng posisyon sa VP? 

Sa bagong panayam naman sa incoming president, kahit wala pa siyang naiisip na posisyon para kay Leni... ay aminado siyang dapat magkausap muna sila para magkakilanlang mabuti.

Tayo nga di ba, ayaw nating magpapasok sa bahay ng taong di natin kakilala eh maski pa ang minsa'y nakaalitang kapitbahay? 

Kaya, sa mga maka-Leni, wag masyadong ma-heartbroken o mag-beast mode... dasal na lang. 

Kung hindi bigyan si Leni, maging sports lang. 

Ayon naman kay incoming vice president, tanggap niya ang katotohanang wala siyang karapatang mag-demand. Irerespeto niya umano ang anumang desisyon ni DU30. Matapos silang maiproklama bukas, hahanap daw si Leni ng paraan para makapag-usap sila ng pangulo.


Malay natin, sana magkamabutihan nga sila.



For your reference:
http://newsinfo.inquirer.net/743661/robredo-asserts-stand-vs-ironclad-type-leadership-denies-criticizing-duterte http://news.abs-cbn.com/nation/11/29/15/duterte-fires-back-at-leni-i-do-not-like-her
http://www.philstar.com/headlines/2016/05/28/1587727/robredo-vows-100-support-duterte
http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/129530-duterte-leni-robredo-assistant-president
http://newsinfo.inquirer.net/788038/a-post-for-leni-that-never-crossed-my-mind-says-duterte
http://www.rappler.com/nation/134633-duterte-good-rapport-leni-robredo
http://www.gmanetwork.com/news/story/567969/news/nation/leni-on-cabinet-post-under-duterte-i-don-t-have-a-right-to-demand

No comments: