Mabagal ang usad ng traffic sa Marcos Highway sa bahaging Cainta, Rizal, maggagabi ng Linggo ng Palaspas.
Panay tipa ko rin sa aking cellphone para sa palitan ng text sa aking boss at ilang katrabaho. Tsk, wala na namang piniling araw ang disgrasya.
Sa gitna ng sariling agam-agam, napalingon ako sa labas ng aming sinasakyan... naghahanap marahil ng pang-relax sa paningin. O gruma-grabe ang traffic.
Ilang sandali, natanaw ang pakiwari ko ay isang mag-ama... na mangangalakal ng basura. Huminto ang tatay sa gitna ng tulay ng creek. Inilapag ang mga bitbit na karton sa "railing" ng tulay. Tumigil din sa paglalakad ang binatilyong anak.
Magpapahinga sila.
Si tatay, pagkababa niya ng mga naipong basura ay sinimulan nito ang "relax mode" at tinanaw ang malayong bahagi ng creek. Nagsimula siyang magsalita at tila nagkukuwento na sa anak... may mga ngiti iyon.
Ang binatilyo, masaya ring nakinig. Parehas silang mag-ama na inaabot ngayon ng kanilang tanaw ang maaliwalas na creek. Hindi ko lang tiyak kung kumusta ang amoy sa paligid.
Iniisip ko tuloy kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Tsismoso hahaha
Pero seryoso, kinukonsulta kaya ni Manong ang kanyang anak kung gusto ba nitong tumira sa tabi ng creek?
O baka naman, may bahay naman sila... siguro, naging masinsinan lang ang usapan tungkol sa kanilang buhay at mga pangarap.
Wala akong nakitang lungkot sa kanila.
Ano kaya ang pangarap ni tatay? Marahil ikinukwento niya ang kanyang panahon ng kabataan.
Ang binatilyo kaya... ano ang mga gusto niyang ibigay sa ama kung sakaling umasenso sila sa mga susunod na taon?
Pero tatanungin niya rin ba kaya kung bakit may mayaman at mahirap... at bakit naroon sila sa ganung sitwasyon.
Umusad na ang aming sasakyan.
Nalayo na ang aking paningin sa kanila.
Oo, hindi tiyak ang happy ending.
Sana mahanap nila ang sagot balang araw.
Sa ngayon, parang sasapat na... na kasama pa rin nila ang isa't isa na nangangarap.

No comments:
Post a Comment