Monday, December 14, 2015

LIHAM KAY NONA

Demanding na bisita. First weekday pa lang, naghahanap na ng espesyal na atensyon.

Gustuhin ko man palampasin ang tingin ko sayo sa pader....hindi puwede. Kaya mo talaga kasing magpagiba ng pader-- matitibay pa ngang pader minsan.

Balita ko, hindi ka magpapaabot dito ng Pasko. May dinaramdam ka ba? May ibang nagsasabi na gusto mo talagang magwala rito... maglabas ng sama ng loob hanggang Huwebes man lang tapos disappear ka na.

Yun na yata ang pamasko mo sa amin.

Sana lang, NONA... tolerable ang pain na idudulot mo sa amin. Kumbaga, kaya pa ng aming bulsa ang damage at higit sa lahat, may ngiti pang maipipinta sa amin pagkatapos.

LIHAM KAY NONA.
Toplatsi


No comments: