Wednesday, February 3, 2016

IAN CALALANG

Ibinalita ng Philippine Collegian na nakauwi na si Ian Calalang, ang 18-year-old U.P. freshman na halos 20 araw na nawala at ipinanawagan ng kanyang mga magulang- mula sa social media hanggang sa telebisyon at radyo.

Ngayon, tumatanggi umano ang pamilya na idetalye ng pagkawala ni Ian bilang respeto sa privacy ng kanilang mahal sa buhay. Nagpapasalamat naman daw sila sa mga otoridad at iba pang tumulong at nakisimpatiya sa paghahanap noon kay Ian.

Ganun-ganun lang, nakauwi na siya sa inyo ... magkalimutan na tayo? Wala man lang kayong simpleng paliwanag sa publiko/media sa pagkawala niya?! Oo karapatan nyo yang itago pero sana KAHIT KONTI humarap ulit kayo sa TV at personal ipaabot ang inyong mensahe.
from Ian Calalang's Facebook page

"Pasensya na po, hindi namin masasabi ang tunay na dahilan ng pagkawala ni Ian. Hindi naman siya sinaktan o anuman pero kami'y labis na nagpapasalamat sa lahat ng nakisimpatiya at tumulong sa aming maghanap."

Kung tutuusin nga, sana magbahagi kayo ng kahit may "sugarcoat" na statement kung ano ang nangyari kay Ian na hindi magmumukhang kalait-lait siya sa ginawa o nagawa niya.

"Marahil, bahagi ng kabataan ay may ilang bagay na sinusubukan na akala nila ay tama o wasto pero sa huli, natatanto nila na maaari namang gawin iyon sa nakatutuwang paraan at hindi lahat ay mag-aalala."

Pasalamat kayo na natutukan kayo ng media. Sa dinami-dami ng mga nawawalang tao at nais manawagan sa TV pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon kahit ilang segundong maibalandra ang mukha ng tao. Palibhasa kasi, wala yatang masyadong kakaiba sa kwento o insidente nila.
Pero kayo ay napili ng ilang media dahil taga-UP si Ian...yun lang... nakapag-on cam pa kayo at interview. Jusme, andami ring estudyanteng nawawala pero walang ganyang treatment.

No comments: