Tuesday, October 6, 2015

JaDine for New Jollibee Burger Steak TVC


Napalingon ako sa TV nang marinig ang hapyaw na chorus ng kantang "Bahala Na." Akala ko ay may bagong commercial ang phenomenal split-screen loveteam na AlDub (Alden Richards & Maine Mendoza).

Mali ako.
It's Jollibee TVC... at tampok ang loveteam from TV soap "On The Wings of Love" na JaDine (James Reid & Nadine Lustre).

Ang ine-endorse ng JaDine ay ang mas "beefy" na (aking favorite) Jollibee Burger Steak!

Maganda ang strategy na ginawa ng Jollibee sa gitna ng AlDub craze. 







Sinasamantala nito ang pagkakaroon ng bawat AlDub fan ng kani-kanyang "recall" sa kantang pinasikat noon at inawit mismo ng JaDine na "Bahala Na." Ang nasabing kanta ay may linyang "naniniwala na ako sa forever"- sumisikat nang muli dahil sa AlDub fever. 

(Aminin natin... mas sikat ngayon ang kanta dahil sa AlDub kahit sa mga hindi JaDine fans o hindi nakapanood ng JaDine movie kung saan theme song ito.)


Sa new Jollibee TVC, tinanong ni James si Nadine kung ano para sa kanya ang "forever."

Ang sagot ng babae ay "kahit na may bago ay doon ka pa rin sa matagal nang kakilala."

Sundot na tanong ulit ni James... "dahil masarap kasama?!"

Tugon ni Nadine, yung hindi raw nakakasawa.

Sa huli, hirit ng lalake... "yung babalik-balikan."






Puwedeng double-meaning ang mga linya di ba?

Maaaring patungkol iyon sa bagong Chicken Ala King ng McDonald's na nakakakuha rin ng positive reviews mula sa ilang nakatikim o nakakain na.

Kung mang-iintriga tayo, posibleng ang "script" ay patungkol din sa pagdating ng bagong loveteam-  gaya ng AlDub- na maaaring sumusubok ngayon sa stardom ng JaDine. 

...kaya to the rescue si Jollibee.

Kasalanan din ni Jollibee. Hindi kasi agad sinundan ang unang TVC ng JaDine. Remember the burger sandwich?



JaDine or AlDub?
Jollibee or McDo?
Burger Steak or Chicken AlaKing?

Masarap daw talaga ang kiligin these days.
Anuman ang lunch mo, basta wag kalimutan ang whatcha gonna do with that dessert hahaha





No comments: