Friday, July 10, 2015

KAPIT LANG

Napagtagumpayan ko ang pagkapit sa handrail kahit ipinipilit ni manong na isandal doon ang buo at pawis na pawis niyang likuran.

Makailang-beses akong nilingunan ni manong; marahil, para matantiya niya kung bibitaw na ako.

Kapag kinompronta niya ako, sasabihin kong hawakan ang handrail- hindi sandalan.

Pawisan na rin ang aking kamao pero kapit pa- tiis pa more.

Sa gitna ng biyahe ng MRT mula Santolan patungong Ortigas ay unang sumuko si manong.

Paglabas sa tren, itinaas ko ang aking basang kamao... at agad tinungo ang dispenser ng alcohol sa ticket booth.


No comments: