Wednesday, July 1, 2015

PLANE CRASH PRANK KAY PARIS HILTON, POSIBLE BANG MAUWI SA DEMANDAHAN?

Nabiktima ng isang Egyptian prank TV show ang international celebrity na si Paris Hilton.

Ang siste, mamamatay umano ang makina ng private plane na sinasakyan ng grupo ni Paris habang nasa himpapawid ng Dubai, UAE. Bubulusok syempre ang eroplano na magiging dahilan ng pag-panic ni Paris.

Screenshots from Youtube


Gaya ng inaasahan, nakunan ng video ang matinding takot kay Paris sa pagbulusok ng eroplano. May eksena rin ang ilang prankster na nagpatihulog na sa ere para makaligtas kuno  (syempre may parachute) at para mas magmukhang totoo ang "emergency."

Nagawa namang makapag-landing nang matiwasay ang eroplano bandang huli.

Labis ang pasasalamat ni Paris habang nanginginig pa rin sa takot at umiiyak. Nagawa pa niyang kumustahin kung maayos ang kondisyon ng ibang nakasama nila sa eroplano.

Doon na inamin sa kanya na prank show ang lahat.

Ang plane crash prank na iyon ang pinakamatinding takot umanong naramdaman ni Paris. Halos mamatay na raw siya sa takot.

Sa ulat na lumabas ngayon sa TMZ website, posibleng kasuhan ni Paris ang mga promotor ng prank show.

Hindi na bago ang mga ganitong palabas - prank show- maging dito sa Pilipinas.
May ilang insidente na rin na naharap sa asunto ang mga TV prankster dahil sa umano'y matinding trauma o takot ang naidulot ng nasabing "bad joke."



No comments: