Isa lang ang puwede manalo sa karamihan ng mga competition o contest.
Mahirap bang mamili ngayon kung alin sa apat na Pinoy grand finalist ng Asia's Got Talent ang karapat-dapat na tanghaling kampeon? Talagang walang tulak-kabigin sa naging palabas ng bawat isa; lahat ng apat ay nakatanggap ng mga papuri at standing ovation ng mga hurado- music producer David Foster at ang mga music artist na sina Anggun, Van Ness Wu at Melanie C.
SCREENSHOT: Standing ovation ng apat na judges ng Asia's Got Talent sa performance ng Pilipinang si Gerphil Flores sa katatapos na Finals Night 1 ng reality-TV show sa Singapore.
Sa katatapos na Performance Night ng AGT sa Marina Bay Sands, Singapore...nagpamalas ng world-class act, elegant rendition ng Impossible Dream si Gerphil Flores; awesome cover ng Titanium ang ibinida ng batang si Gwyneth Dorado; emotion-filled shadow play (ala-interpretative dance) tungkol sa earth conservation ang ibinahagi ng El Gamma Penumbra; at ang madagundong na make-face-attitude-dance ng Junior New System.
Ang JNS ang pambato ko talaga mula sa nabanggit apat.
I must admit, naging pangalawa na lang sila sa listahan ko para sa tsansang makakuha ng panalo sa AGT.
Medyo na-disappoint ako sa napili nilang performance/gimik para sa finals' night. Mas nagustuhan ko pa ang ikalawa- yung naging susi nila sa pagpasok sa Grand Finals.
Kumpara kasi sa "football-themed" dance ng JNS sa finale, mas maraming recall sa audience at viewers ang pang-semis nilang performance-- best fusion ang ginawa sa mga tugtugin mula 80s, 90s at 2000s, mas maraming 'wow' stunt at di maitatangging dagdag-puntos ang pagsusuot ng mga miyembro nila ng high heels habang nagwawala sa dance floor!
Hindi na ulit na-meet ito sa performance ng JNS sa kanilang finals. Maliban sa maikling piyesa ng isang "hit song" ng Spice Girls (kung saan napatayo si AGT judge Mel C) na isinama sa mashup, wala nang naging malalim na tatak 'ika nga ang palabas ng JNS.
Syempre, hindi naman natin sinasabi na dapat ulitin nila ang pagsusuot ng heels hahaha
Pansinin- mas maraming beses "nagwala" si Van Ness sa kanyang upuan during JNS' performance sa semis kumpara sa pang-finals ng grupo. Ang dating F4 member ay aminadong favorite rin niya ang JNS.
Kahit hindi ako- fan ng classical music- gayunman, ibibigay ko ang aking 100% trust ngayon kay Gerphil para manalo sa AGT mula sa hanay ng mga Pinoy grand finalist. Pangalawa nga ang JNS. Sunod ang El Gamma at si Gwyneth.
MARIAN RIVERA LOOK ALIKE. Agree with me? Well, regardless if you are a fan or not of Filipina actress Marian Rivera, magkahawig talaga sila ni Gerphil Flores.
Una kong ipupunto na malinis ang rendition ni Gerphil sa oldies hit na Impossible Dream. Hindi ko alam ang mga term na "naabot niya ang high notes"; gayunman, ang alam ko- hindi sigaw ang naririnig mula sa kanya. Makapanindig-balahibo. Classy. Sophisticated, stunning ang aura ni Gerphil.
Narito ang ilang wonderful comment ng judges sa ating mga pambato last finals' night:
"My Golden Girl.... you just made the dream possible.... I promise you the world is gonna know about you." --David Foster to Gerphil
"...you belong there...on the pedestal." --Melanic C to Gerphil
CLASSY PERFORMANCE.
"BOOM! Fantastic job... I love the energy. I love the technical difficulty of your dance moves... (to audience) Did you guys enjoyed that?" --Van Ness Wu for Junior New System
"They have impeccable taste in music...you guys as always insane. What you do is not right...well, you can! Oh, whatta party!" --Melanic C to Junior New System
JUNIOR NEW SYSTEM
"What really makes me fell in love with your performance is the possibility of messages that you can point endless..." --Anggun to El Gamma Penumbra
"Your message is so clear... it's beautifully profound" --David Foster to El Gamma Penumbra
EL GAMMA PENUMBRA.
ANGGUN LOVES EL GAMMA. Emosyonal na nagbibigay ng papuri ang Indonesian rock icon sa umano'y makabuluhang pagtatanghal ng Pinoy group na El Gamma Penumbra tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
"That was such an incredible performance." --Melanic C to Gwyneth Dorado
"That's who you are- right there with the piano-- with that beautiful voice. Congratulations!" --David Foster to Gwyneth Dorado
PIANO NOT GUITAR. Para kay David Foster, mas bagay nga kay Gwyneth Dorado ang piano bilang partner nito sa paghasa sa kanyang powerful voice.
Limang iba pa ang katunggali ng apat na Pinoy acts sa AGT.
Ang little girl tappers na Dance Thrilogy ng Singapore; ang lovely couple na kapwa ballet dancer na sina Gao Lin at Liu Xin ng China; little boy rock band na Talento ng Thailand; kabuki dancers Triqstar ng Japan; at ang matatawag na "cultural music ambassadors" ng kanilang bansa- Mongolia- ang Khusugtun.
Sa mga nabanggit sa itaas, ang pambato ko naman ay ang Khusugtun, Triqstar at ang Gao-Liu loveteam.
Sayang nga lang, sa hanay ng mga Pinoy finalist ay wala sa mga ito ang makikitaan ng fusion ng ating culture sa kani-kanyang naging palabas kumpara sa ilang kalaban sa ibang bansa-- bagay na minsang ipinunto nina Anggun at Mel C na hinahanap din nila sa konsepto ng AGT.
Gaano nga ba kalaki ang tsansa ng Pilipinas na maging AGT winner? Malaki naman dahil apat ang mga "taya" natin. Kung audience impact at showmanship- llamado na ang Junior New System. Kung classy performance, si Gerphil. I believe, malaking factor na sa Singapore ginagawa ang AGT at nakakakuha ng malaking porsyento ng viewers na siyang pipili ng grand winner. Alam nating iba ang standards ng mga Singaporean sa "arts" at "winning performance."
Well, come what may- still hoping for the best sa ating mga Pinoy bet; syempre sa aking forecast- kababayan natin ang mananalo, it's Gerphil or Junior New System.
Mabuhay!
Please watch the Grand Final Results ng Asia's Got Talent, May 14- Thursday @ 8:05pm on AXN.
No comments:
Post a Comment