Tuesday, May 19, 2015

FIRST OFFICIAL TWEET NI OBAMA: "HELLO, TWITTER!"



"Hello, Twitter! It's Barack. Really! Six years in, they're finally giving me my own account," ito ang kauna-unahang "opisyal at inaugural message" ni U.S. President Barack Obama sa kanya ring "opisyal at beripikadong" Twitter account bilang pangulo ng superpower na bansa na inilabas doon Lunes.

Mukhang may feels si Obama sa kanyang hinintay na account hehehe

Sa mga sandaling ito, mabilis namang nakakuha ng followers si Obama...and counting. Bago mag-alas-2 Martes madaling-araw rito sa Pilipinas, mahigit 580,000 ang nagfa-follow na sa kanya. 65 naman ang pinili niyang i-follow.

@POTUS (President of the United States) iyan ang hanapin ninyo kung nais ay mas personal at direktang sagot mula sa U.S. president. Hayan, idulog natin ang krisis sa Spratlys.

Hindi naman talaga ito first time tweet ni Obama. Ayon sa media, minsan nagtu-tweet din ang nasabing popular president sa official account ng White House at sa dati niyang campaign team.

Ipapasa rin ang paggamit sa @POTUS account sa mga susunod pang pangulo ng Amerika.



Move over President Noynoy Aquino, kaya raw lampasan agad ni Obama ang iyong mahigit 2.5 million followers sa mas maikling panahon hahaha

At least, in fairness sa atin, mas nauna pa ang Pinoy president na magkaroon ng Twitter account.

Magkakatalo na lang sila sa tunay na output, aksyon sa public service. Naks! As if namang may impact ang Twitter ni Obama sa oil price sa Pilipinas hehe


No comments: