Sunday, May 3, 2015

SALAMAT PACQUIAO

Saludo pa rin kami sa iyo, Manny!
Mukhang malabo na po mga kababayan na magkaroon ng rematch dahil sa hindi ito pinahintulutan sa kontratang nilagdaan ng magkabilang-kampo: ni Pacman at ni Floyd Mayweather Jr.



Nakakalungkot.
Round 9 kinabahan na nga ako na mauuwi sa "decision" ang resulta ng tinaguriang "Fight of the Century." Hindi pa rin kasi bakas kay Pretty Boy sa mga sandaling iyon ang pagod sa lebel na posible siyang ma-knockout. Sabi ko nga sa katrabaho ko kanina, kung mauuwi man sa "decision" ay malamang na mas malaki ang tsansang manalo pa si Floyd. Umaasa talaga tayo na ma-KO ang American Superstar boxer. Sayang.



Ang konsuelo, mas dumagundong sa MGM Grand Arena ang pagpabor pa rin kay Pacman kahit siya ang talo. Nangibabaw rin sa cyberspace ang simpatiya na mas karapat-dapat daw manalo ang ating Pambansang Kamao kaysa kay Floyd na wala naman daw inatupag sa buong laban kundi ang yumakap, umilag, sumangga at tumakbo.

Pag-boo kay Mayweather bago ang anunsyo na siya ang nagwagi via unanimous decision.

"I thought I won."

Sa pagtatapos ng makasaysayang laban, nasaksihan natin na ito yung sandaling hindi naiwasan ni Pacquiao ang tila masaktan o malungkot sa resulta. Ayaw nating gatungan pa ito at sa halip ay matulungan natin siya na maging ok ang lahat at hindi niya tayo dapat alalahanin kung tingin niya ay nabigo niya tayo.


Anuman ang susunod mong hakbang para sa iyong karera pagkatapos ng pagharap kay Mayweather... irerespeto namin iyon.

Maraming salamat Manny Pacquiao.

No comments: