Gaya ng maraming Pinoy, hindi ako natuwa sa pagiging inggrata ni Aling Celia Veloso sa gobyerno kasunod ng naipagpaliban na death penalty sa kanyang anak na si Mary Jane sa Indonesia noong Martes, April 28.
Nagbalik-bansa si Aling Celia kasama ang iba pang kaanak noong Huwebes mula sa biyahe sa tinaguriang 'Alcatraz' ng Indonesia kung saan isinagawa ang pag-firing squad sa walong dayuhan drug convict. Naisalba mula roon si Mary Jane... sa mga huling minuto bago ang execution.
Humarap ang mga Veloso sa press conference na inihanda ng mga militanteng grupong sumuporta sa kanilang i-pressure ang Administrasyong Aquino na paspasan ang pagsaklolo sa kaanak na nahulihan ng mahigit 2 kilong heroin sa pagpasok niya sa Yogyakarta (Indonesia) noong taong 2010 at nahatulan ngang bitayin ngayong buwan.
Kaisa ng Pamilya Veloso ang marami nating kababayan sa pag-pressure na ito; bagaman, iginigiit ng pamahalaan na tinutulungan nito si Mary Jane sa lahat ng klase ng legal na aspeto dati pa man. Sa mga huling araw bago ang bitay, personal nang umapela si Vice President Jejomar Binay sa kanyang counterpart sa Indonesia at syempre si Pangulong Noynoy Aquino...pero hanggang nitong April 27 ay nabasura at walang naging tiyak na sagot ang nakuha kay Indonesian President Joko Widodo.
Sopresa, milagro... madaling-araw ng April 28, pinigil ng Indonesian authorities ang pag-firing squad kay Mary Jane. Sa report ng CNN, idinahilan ni Widodo na nakatanggap muli sila ng liham mula sa gobyerno ng Pilipinas na sinisimulan na ang proseso sa kaso ng human trafficking na may kaugnayan sa kaso ni Mary Jane. Ang development ay bunsod ng pagsuko ng itinuturong "illegal recruiter" ni Mary Jane.
Paglilinaw ni Widodo, "delayed" lang ang pagbitay.
Sa pag-uwi nina Aling Celia, hindi nakita sa kanya ang tipikal na tunog-magulang na sana ay nagpapasalamat na muna- puno ng positibong kalooban- sa pagkakasalba sa kanyang anak. Nangibabaw ang galit niya sa gobyerno na umano'y sisingilin nila kasunod ng panloloko at pagbabaya sa kanila. Limang taon nga naman daw kasi ang nasayang bago pa kumilos ang gobyerno.
Nagalit sa kanya ang mga Pinoy netizen. Nawala ang kanyang amor.
Ilan lang sa mga negatibong komento ay sana raw ay natuloy na lang ang bitay o kaya ang ina na lang nito ang isalang. Para sa iba, nasulsulan at nagamit si Aling Celia ng mga militante.
Mula nang pumutok ang balita kay Mary Jane, hindi ako agad nagbigay ng simpatiya sa kanya dahil una- nagpaloko siya sa "illegal recruiter." Hindi maaaring hindi niya naaamoy ang pagpasok sa iligal na aktibidad. Karaniwan kasing mas mabilis ang proseso ng pagbiyahe ng mga "aplikante" sa sapot ng illegal recruitment.
Sa ipinunto ni Aling Celia na walang itinulong ang gobyerno, paano ba niya iyan nasasabi gayong ang pagbiyahe nyo sa Indonesia ay inayos ng DFA? Mahirap ba sa inyo ang magpasalamat na lang muna sa ngayon? Nag-last minute tawag pa raw si PNoy sa foreign minister ng Indonesia para sa offer na posibleng makatulong daw ang pagsuko ng umano'y "illegal recruiter" sa pag-pardon kay Mary Jane... kaya hayun, na-reconsider ang apela.
Tandaan nyo, na-postponed lang ang bitay at marami pa kayong aasikasuhin at katuwang nyo pa rin ang ating pamahalaan... magsasama-sama pa rin kayo sa finals, 'ika nga.
Hindi nyo ba naisip na maiinggit pa nga ang ibang may nakabinbing kaso rito sa bansa-- sa posibleng pag-apura sa paglilitis sa "illegal recruiter" daw ni Mary Jane? Kailangan iyon para mai-evaluate agad sa Indonesia at mapag-aralan muli ang kaso ng Pinay at tuluyang ma-pardon siya. Hindi ba kayo, nababahala na posible pa ngang ma-delay ang paglilitis sa "recruiter" ni Mary Jane dahil syempre, may mga abogado siyang puwedeng umapela?
Oo, trabaho iyon ng pamahalaan...
So, bakit minsan nagpapasalamat tayo sa tindera kung sila naman ang kumita sa atin? Bakit kailangang pasalamatan ang pari kung obligasyon niya ang pangaralan tayo? Hindi ba't trabaho rin ng guro ang turuan tayo?
Sa perspektibo bilang magulang, dapat thankful mode muna tayo. Anak nyo ang pinag-uusapan eh. Hayaan nyo na lang ang mga militanteng nasa likod nyo ang magdaldal tungkol sa angst patungkol sa gobyerno. Hindi sa inyo muna dapat iyan naririnig- tonong militante iyan. Kung gusto nyong pasalamatan din ang mga aktibista, dapat lang din naman... pero alam man nating lahat na nagpabaya ang gobyerno noon, at least ngayon, nagkumahog na sila.
Maaaring itangging hindi kayo nasulsulan pero "unconsciously" na-obliga kayong magbigay ng magandang regalo para sa mga militante para pagmukhain pa ring inutil ang pamahalaan. Hindi rin naman namin sinasabi sa inyong ibida ang mga nagawa ng PNoy admin at sila'y iendorso nyo sa susunod na eleksyon (kung tatakbo mang muli si PNoy). Hindi ako PNoy fan.
Dangan din lang, sisingilin nyo ang gobyerno (katakot ah), iwi-waive nyo na ba ang serbisyo nila para sa kaso ni Mary Jane at ipaubaya na iyon sa mga militante hanggang sa kayo-kayo na lang ang haharap kay President Widodo?!
Oo, matagal na nating alam na bulok ang gobyerno. Ilang taon na ba o dekadang inaangal natin iyan. Naniniwala ako, bunsod ng ganyang mentalidad, gaya ko ay ayaw ko na ring umasa sa kanila, tama po ba? Sa inaraw-araw na panonood ng TV, gasgas na nating naririnig ang isa't isa na nasusuka tayo sa kahirapan, korapsyon at pangit na serbisyo sa taumbayan.
Kani-kanya na ngang kayod ang mga Pinoy... nag-a-abroad para umasenso at matakasan ang tila wala na ngang pag-asang bayan. Yung ikinakatwiran pa na kesyo ang kinalalagyan ngayon ni Mary Jane ay nag-ugat sa kahirapan at korapsyon sa gobyerno... jusme, move on!
Ngangawngaw ka lang ba lagi riyan sa loob ng maraming taon- hindi ka magbabanat ng buto?!
Sa palagay mo ba, ang bawat OFW noong nag-apply pa lang umalis ay "kaunlaran ng Pilipinas" ang unang inisip.... hindi di ba? At kahit pa nalaman natin na ang tawag ng gobyerno sa mga OFW ay "bayani..." we don't care at all malamang dahil umaasenso na tayo- maraming pera. Jusme, remittance?! Big deal pa ba sayo kung kinukurakot iyon ng gobyerno?! Wala namang libre ngayon kahit saang panig ng mundo ka magpadala ng pera, maski foreigner mong asawa ay magpadala man ng pera sa kanyang hometown ay tiyak malaki rin ang kaltas.
Lahat ay nagdasal para sa inyong anak, Aling Celia... mapa-sibilyan, mapa-gobyerno (maniwala kayo kahit konti lang) at mapa-leftist at rightist group... pero yung nadala kayo sa emosyon (o sulsol) na wala kamong naitulong sa inyo at wala kayo kamong dapat ipagpasalamat sa pamahalaan... seriously?!? Malaki bang kabawasan sa pagkatao nyo kung magpasalamat kahit kaunti sa kalaban ng mga grupong nasa likod nyo ngayon?
Pilit ko na lang iniintindi na ang inasal nyo ay bunsod ng mataas na emosyon dahil sa agam-agam sa kaligtasan ni Mary Jane. Pilit kong uunawain ang mga ito dahil iba ang nakikita nyo mula sa inyong kinalalagyan ngayon. Tutal, wala namang bigat ang opinyon ko para maisalba ang inyong anak. Ganundin ang paniwala ko, wala ring bigat para kay Widodo ang rally ng Migrante sa Pilipinas upang pigilan ang bitay. Ang ganitong bagay naman ay hindi na bago sa ating lahat.
Kung totoo man na nagbida nang husto ang PNoy administration na sila ang nakapagsalba kay Mary Jane-- ang taumbayan din naman ang huhusga agad.
Eh kaso, kayo naman ang nag-ingay. Maling diskarte. Hindi ito ang panahon para sa sisihan at singilan... masyado pang maaga... pero kung ganyan din pala ang inaasal ninyo, marami ang hindi gaganahan sa inyo. Maraming iiwanan kayo.

No comments:
Post a Comment