Monday, June 29, 2015

ALVIN PURA, ABS-CBN RESIDENT METEOROLOGIST


Tuluyan na nga bang ipauubaya ng mga TV network ang weather reporting sa mga totoong dalubhasa  sa forecasting at hangga't maaari ay hindi na lamang basta "news reader" o  "weatherman"?

Kanina, ipinakilala na sa Umagang KayGanda (morning show ng ABS-CBN) si Alvin Pura, ang pantapat nila kay Ginoong Nathaniel 'Mang Tani' Cruz na tinaguriang "resident meteorologist" ng Unang Hirit at ng buong I M Ready Public Service arm ng GMA News.

Wala na pala si Pura sa PAGASA. Isa kasi siya sa mga pinakabatang weather specialist ng ahensya. Minsan na rin nating nakita ang 34-year-old na si Pura na humarap sa TV interview lalo kapag may bagyo.

Hindi pa malinaw kung ang nasabing binata ang ipasasabak na rin sa weather segment ng TV Patrol at iba pang news program sa Channel 2.



Sa cable channel ng ABS-CBN na ANC, alam nating pawang news readers ang may toka sa weather reports nito. Tiyak, isasalang din doon si Pura.

Sa kanyang unang araw sa UKG, naging tampulan ng pagbibiro kay Pura ang kanyang pagkakaroon ng athletic body. Mukhang igu-groom ng Kapamilya Network si Pura na "Atom Araullo" ng kanilang weather team.

Mukhang exciting ang TV weather reporting sa bansa ngayon.

Magkaganunman, ang advantage pa rin sa ngayon ng GMA ay may grupo ito na dedicated sa pagbibigay ng weather update na siyang pinamumunuan nga ni Mang Tani.

Mahigit tatlong taon na siyang sumasahimpapawid sa Kapuso Network. Bago sumama sa I M Ready ay nagsilbi pa siya sa weather bureau sa Australia. Unang nakilala ng mga Pinoy noon si Mang Tani na forecaster at very visible na tagapagsalita ng PAGASA.

May ipantatapat na rin ba ang TV5 o CNN Philippines na sariling "resident meteorologist?"
Abangan.



No comments: