Monday, April 27, 2015

SAMSUNG GALAXY S6 EDGE



Picture taken using S6 Edge


Pitong araw ko nang ine-enjoy ang aking bagong Samsung Galaxy S6 Edge.
Hindi ako geeky dahil wala akong masyadong alam sa specs-specs na iyan. Tatlong Samsung phones na ang aking nagagamit. Pang-apat na ang Edge.

From ex-Galaxy S3 user, hindi ko talaga matatawag na big deal ang anumang sinasabing flaw sa bago kong phone. Naniniwala rin kasi ako na we can't have the best of both worlds. Iilan lang ang mga bagay na ikukunsidera ko sa pagkilatis sa Edge sa article na ito.




THE LOOK
Yes, I admit, ang stylish look ng Samsung ang pinakahinahabol ko. Convinced naman ako sa quality at pagiging multi-functional/tasking ng kanilang mobile phones eversince kahit hindi noon uso pa ang smartphones lalo ang iPhone. Bilib ako sa ini-improve ng Samsung sa mga device nito kada taon. Yung fusion ng stylish, elegant look at ng multi-tasking tools ay napagtatagumpayan nila. No need sa mga "exclusive feature" para sa angkan lang nito.. no ifs and buts.

Ang Edge?! Absolutely, ang kanyang curves at metal-and-glass premium body ang ikinatuwa ko. Ganung kasimple. Ang Edge screen feature, (alarm) night clock lang talaga na may konting arte para hindi ka naman mabuwisit dahil mapipilitan na namang bumangon. Biruin mo, tititigan mo nang husto ang "clock" ng Edge pero hindi iyon ang pakay mo... kundi ang i-check kung may nag-text, missed call o nag-email sa iyo. Hindi mo na kasi kailangang buksan maigi ang buong Edge screen kung di gaanong importante.






BATTERY & SD CARD ISSUE
Isa ako sa mga nalungkot nang mag-decide ang Samsung na gawing non-removable ang battery ng Edge at hindi na expandable ang storage memory. Pinakamaliit na ang 32GB (gaya sa akin) habang pinakamalaking storage ang 128GB. Ang convenience kasi ng SD card ay kahit saan at kahit kailan ay maililipat at maisi-share ko ang files; no need to worry na biglang magka-crash ang phone. Malamang dahil sa “downgrade” na ito ay dapat laging may backup na storage sa ibang phone o kaya’y sa laptop na o PC. Isa lang naman ang concern ko sa “fixed battery”— gaano katagal ang buhay nito? higit ba sa 2 taon na karaniwang lifespan ng removable battery?

Kung lifespan-a-day ng Edge ang pag-uusapan, twice akong nagcha-charge. Iyan ay dahil madalas akong nagsu-surf sa net. Hindi naman din ito big deal sa akin- sa ngayon- kasi pinanghahawakan ko’t bilib ako sa “fast charging” feature ng phone plus yung Ultra Power Saving mode. Convenient din ang wireless charging. Ipapatong lang. Minsan kasi, habang nakasaksak ang charger ang ating phone, kapag may tumawag- nawawala sa loob natin na “charging” pa ang device at biglang nahahaltak ang cord. 



CAMERA
Bravo for the camera!
Edge can bring us crisp and clear images. Again, wala akong masyadong isyu dahil S3 ang pinanggalingan ko. Hindi gaya sa dati kong phone na maraming pindot pa para makakuha ng magandang filter o effect bago makapag-selfie o panorama shot, nalimitahan na ito sa Edge dahil na nga rin sa improvement ng camera. Nananatili naman ang feature na selective focus at wide selfie. Maaaliw ka naman sa slow motion, fast motion at virtual shot. Magagawa ang virtual shot sa pamamagitan ng pagtutok at pag-ikot ng Edge camera sa “object.” Pagkatapos ay ise-save mo at panonoorin ito bilang video. Puwede itong i-share via Bluetooth pero bilang video para ma-appreciate ng ibang titingin. 


Napansin ko ring nag-ala-Koreano ang kutis ko sa pag-selfie… yun pala ay nakatodo ang level ng Beauty feature. Kapag in-adjust mo iyon, pakikinisin niya ang mukha mo hahaha. Eh di wow, pugeng-puge na ako! Now, back off Belo! … ‘coz only S6 touches my skin, who touches yours?

Less hassle rin ang pagse-selfie dahil you can use the heart rate sensor located at the back of the phone para mas convenient ang pag-click for selfie shot. May option ka rin for voice command.  Just say “shoot,” “capture,” or  “cheese.”


PHONE CALL
Frustration ko pa rin hanggang ngayon ang magamit ang voice command sa pagsagot ng phone call. I believe nasunod ko naman na ang lahat ng instruction pero hindi pa rin gumagana. Hayyss. Di bale, napapakinabangan ko naman iyon sa ibang bagay gaya ng making calls, pagse-search sa Google at pag-open ng ilang tool sa Edge. May problema lang talaga minsan ang phone sa pag-intindi ng accent ng user at pagtanggap nito sa non-English words.




MULTI-WINDOW & POP UP
Kung sa S3, dalawa ang split; higit naman dito ang kayang i-offer ng multi-window feature ng Edge. Puwede rin ang higit sa isang pop up sa iyong homescreen. 



That's it guys, maikling review lang ang maibibigay ko sa inyo tungkol sa Edge. Again, mula S3 kasi ako kaya napakalaking upgrade na ito for me. Basics lang naman din kasi ang kailangan ko. Gaya ng old phone, sana tumagal din ang aking Edge ng 2 years and more. 

No comments: