Monday, February 9, 2015

KAPUSO-TURNED-KAPAMILYA & KAPAMILYA-TURNED-KAPUSO STARS

Network war.

Muling tumaas ang tensyon sa pagitan ng mga tagahanga ng GMA at ABS-CBN ang paglalabas ng artikulo ng huli ng anila'y listahan ng mga dating artista ng Kapuso Network na nag-ober da bakod sa Kapamilya. Labing-lima silang tinukoy; sina Angel Locsin, Isabelle Daza, Iza Calzado, Jake Cuenca, Cristine Reyes, Megan Young, Paulo Avelino, Nadine Samonte, JC De Vera, Ellen Adarna, Toni Gonzaga, Maxene Magalona, Karylle, Anne Curtis at Liza Soberano.

http://www.abs-cbnnews.com/image/entertainment/02/06/15/15-kapuso-turned-kapamilya-stars-12

Umani ng iba't ibang reaksyon ang nasabing artikulo na lumabas noong Biyernes, February 6. May mga pumuri sa pag-angat ng career ng mga dating Kapuso. May ilan din namang kumuwestyon kung lahat nga ba sa kanila ay nananatiling 'visible' at 'household name' pa nga ba mula nang mangibang-bahay.

Screenshots from ABS-CBN News.com and GMA Network Facebook page


Dalawang araw ang nakalipas. Kahapon, Linggo, February 8, naglabas ng kahalintulad na listahan ang GMA... ang anila'y hanay naman ng mga Kapamilyang naging Kapuso na. Ito'y sina Iya Villania, Heart Evangelista, Empress Schuck, Tom Rodriguez, Sam Pinto, Glaiza De Castro, Rafael Russell, Max Collins, Christian Bautista, Martin del Rosario, Camille Pratts, Nova Villa, Eugene Domingo, Jacklyn Jose, Kris Lawrence, Pauleen Luna, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, Luis Alandy, Paolo Contis, Eula Valdez, Jean Garcia at Rodjun Cruz.

http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/photos/2015-02-08/1977/Kapamilya-turned-Kapuso-stars

Hindi nakaligtas ang artikulo sa pagpuna sa 'timing' ng paglabas nito; bagaman, tanggap ito ng ilan bilang direktang sagot ng Siete sa naunang artikulo ng Dos. Kinuwestyon din ang status ng mga ex-Kapamilya sa bakuran ng Kapuso Network kung sikat pa nga ba sila.



Here's my Take.

Walang duda, pinakamaraming sikat na artista ngayon ang nasa bakuran ng Dos.

Sa kabilang banda, dapat makita rin ng Kapamilya fans na pinatutunayan lang ng artikulo mismo ng ABS na may "mata" naman talaga ang GMA para makadiskubre ng mga potensyal na artista na napapakinabangan naman din ng Dos sa huli.

Kusang lumipat man o pinirata sila mula sa Kapuso Network, hindi maitatanggi ang simpleng bagay na iyan.

Kung sana ay ganitong klaseng press release na lang ang ginawa ng Siete, sa halip na naglabas pa ng sariling listahan.

Hindi rin maitatanggi ng mga tagahanga ng dalawang network na hindi lahat ng mga lumipat sa kanilang artista ay 'visible,' may pangalang bukambibig pa rin sa mga tahanan at may regular na proyekto.

Ang bawat bakuran ay may napapabayaan ding home-grown talents at dumudungaw-dungaw na rin sa kabilang bahay... nagmumuni-muni kung susugal para sa mas magandang pag-aruga.

No comments: