Thursday, February 5, 2015

BOW OF APOLOGY

Source: http://english.cntv.cn/

Malaking balita sa Taiwan ang pagbagsak ng isang eroplano sa TransAsia Airways sa isang ilog sa nasabing bansa. Habang isinusulat ang balitang ito, halos 30 ang naitatalang patay. Nakunan pa ng isang motoristang dumaraan sa isang tulay ang nakapangingilabot na trahedya. Sino nga ba ang hindi matatakot na makakakita ka ng plane crash sa gitna ng lungsod? 

Humarap sa isang press conference ang mga opisyal ng TransAsia, humingi sila ng paumanhin sa mga nasawi't nasaktan at kanilang mga kaanak at maging sa publiko-- sabay yuko-- tanda ng paghingi ng tawad at pagpapakumbaba alinsunod sa tradisyon/kaugalian ng mga Taiwanese.


TransAsia CEO bows in apology - CCTV News - CCTV.com English

Buti pa sila, mapa-taong gobyerno o kabilang sa pribadong sektor ay may taglay na ganyang ugali.

Samantalang dito sa Pilipinas, makapal talaga ang mukha ng maraming tiwaling pulitiko. Hindi rin kataka-taka na maski ang mga kapitalista. Matataas ang tingin nila sa sarili. Mas pipiliin nilang manahimik tungkol sa isyung kinasasangkutan at hihintayin na lang daw kamo ang imbestigasyon ng gobyerno. Magpapalabas na lang ng napaka-simpleng "letter of apology" sa publiko. Tsk tsk. Mga ganid sa pera at kapangyarihan.

No comments: