Ilang beses na tayong nakasaksi ng mga kilig-to-the-bones na wedding proposal sa public places... eh, yung ligawan blues?
One time, sa sinakyan kong jeep going to Cubao ay ikinamangha ko at kinaaliwan ang first attempt ni kuya (itago natin sa pangalang Al- naka-sandong puti sa picture sa ibaba) na pumorma sa isang di-niya kilalang babae at kapwa namin pasahero (itago natin sa pangalang Abie- katabi ni kuya).
Nagre-retouch si Abie nang sabihan siya ni Al na "Maganda ka na."
Hindi kumibo ang babae. Tinapos na rin niya agad ang pananalamin.
Akala ko ay tapos na ang effort ni Al.
Wala pang limang minuto ay humirit na ulit ang lalaki. Nagtanong ng oras kay Abie. Ilang sandali, sunud-sunod na ang pagtatanong niya na animo'y nanliligaw na nga-- kung may asawa na raw si Abie, taga-saan siya, etc.
Noong sumagot si babae na may asawa na siya... bumuwelta si lalaki na "eh, bakit wala kang wedding ring?"
Boom Panes!
May alibi naman si Abie pero makulit si Al.
Ilang kapwa pasahero na rin ang nakapansin sa ligawan. Hindi lang namin matantiya si Abie kung bakit panay sagot pa niya sa tanong ng di niya kilalang tao. Sabagay, desisyon naman niya iyon kung paano niya didiskartehan ang sitwasyon.
Iniisip ko na nga kung ano ang gagawin ko kung magwala si Abie para lang itaboy si Al at matigil iyon sa pangungulit.
Bumaba na ako sa Ali Mall at hindi ko na natapos ang ligawan blues.
Tingin nyo, ano ang possible ending sa story natin?
1 comment:
salamat sa iyo, isang malakas na blog
Post a Comment