Congrats Manny Pacquiao, bumalik ang bangis mo sa ring!
Nagsabog ka ng kasiyahan at inspirasyon sa mga biktima ng kalamidad sa ating bansa ngayong taon.
Sana maging inspirasyon din ang araw na ito para sa tuluyan mong pagbangon muli at pagsaayos ng iyong career at personal na kasiyahan sa buhay.
+++
Kapag ganitong may laban si Pacman, tiyak may TVC (commercial) ang magiging pamilyar sa mga tao habang nanonood ng telecast.
This time, Fiesta Ham kahit na simpleng title card lang with matching photos nina Pacman at Rios pero bigla talaga akong na-holiday stress dahil sa ilang beses na pagbalandra sa TV ng Fiesta Ham.
So far, wala akong nakitang 'foul' TVCs gaya dati... pareho pa namang LBC commercials.
Remember, ang maling pag-spell ng bata ng word na "remittance" sa isang quiz bee.
He spelled it "L-B-C".... and much to my surprise, tama raw ang sagot niya, sabi ng quiz master?!?
Isa pa ang pagbato ng mahabang rolyo ng papel sa isang nakaupong empleyado. Ang lutong kaya nu'n. Ako yung nasaktan para sa tao.
Hindi ko alam kung sitcom ba yun at napaka-old school naman kung trying magpatawa ng nasabing TVC.
+++
SCENE: PICTURE, PICTURE game show (GMA7)
Q: Ano ang literal na meaning sa Spanish ng "pan de sal" ?
a) tinapay na may asukal b) tinapay na may asin c) tinapay na may asim
Rochelle Pangilinan asks her teammates Mark Herras and Wynwyn Marquez.
Mark: Tingin ko, B.
Wyn: Tingin ko, A. Pandesal...pandesal at asukal... pandesal!
+++
Hindi naman big deal kung tutuusin ang pagmamahalan ni Freddie Aguilar at ng kanyang 16-anyos na girlfriend... kung Muslim siya noon pa man.
Eh, bigla siyang nagpa-convert ha?!
Kaya, walang duda, malakas ang loob niya ngayong mababasura ang reklamong qualified seduction laban sa kanya dahil nagpakasal na sila ng kanyang nobya sa bisa ng relihiyong Islam. Be it.
May kilala ba kayong babaero na nagpa-convert ng relihiyon para ma-justify ang kanilang ginagawa?! Sabagay, wala namang babaero ang kayang magpakasal ng dalawa o higit pang babae.
+++
Na-LSS talaga ako sa What does the Fox Say? ng Norwegian duo Ylvis.
Nakakatuwa ang lyrics... mababaw man pero hindi naman foul.
Viral din ang music video nito na laman ay nakaka-engganyo at nakakahawa ang choreo at saltik ng Ylvis at kanilang backup dancers.
Masaya sigurong gamitin ito sa Christmas presentation hehe
Sa ibang bansa, ang popularidad ng kanta ay nagmitsa sa pagdami ng mga bumibili ng fox costumes... anytime from now, darami ang parodies ng Ylvis song na iyan.
No comments:
Post a Comment