Wednesday, October 16, 2013

VISAYAS QUAKE


Isang araw makalipas ang Magnitude 7.2 na lindol sa Visayas, naitala na ang 107 na nasawi nating kababayan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pinaka-apektado ang Bohol kung saan natukoy ang epicenter ng tectonic quake. Sa nabanggit na lalawigan, naramdaman ang intensity 7 na lakas ng pagyanig pasado alas-8 ng umaga kahapon. Umabot sa mga karatig-probinsya partikular ang Cebu.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), halos 40 segundo ang itinagal ng lindol.




Tumambad agad ang malaking pinsala... pinaka-apektado ang mga tinaguriang heritage church at pamosong Chocolate Hills ng Bohol na nagtulak sa ilang netizen na i-usal ang ganitong tanong... 

Bakit maraming nanghihinayang sa pagguho ng mga simbahan, eh mas mahalaga ang maraming buhay na nawala dahil sa lindol?

Hindi natin masisisi ang media kung ang anggulo sa nasirang heritage churches ang agad nabigyan ng pansin dahil ito 'yung mga naunang larawan ng pinsala ng lindol na nakuha ng ating local media sa iilang tao lamang, partikular sa British blogger/traveler/journalist na si Robert Michael Poole


Saka developing story ang earthquake aftermath, expected in the next few hours ay maha-highlight din ang face stories ng mga biktima dahil unti-unti nang maa-assess kung may mga taong nasaktan kasabay ang paglulunsad ng search and rescue operations ng gobyerno.

Isa pang punto, puro heritage churches ang gumuho. Kung ordinaryong tulay o gusali lang yan, siguro walang ganyang kataas na pagpansin sa media reports. 

Daytime naganap ang lindol. Pinangangambahan ang pagdami ng mga nasaktan o nasawi... at lahat naman tayo, kaisa sa pag-usal ng panalangin na hindi sana ito magkatotoo. 

Walang oras na sinasanto ang lindol... walang holiday... 
Bawat segundo, may lindol saanmang panig ng mundo... hindi tayo exempted.
Ang magagawa lang natin... maghanda.

Giyera sa Mindanao.
Bagyong Santi sa Luzon.
Ngayon, Lindol sa Visayas... mga pagsubok na muling susukat sa katatagan ng mga Pilipino.




No comments: