Tuesday, October 29, 2013

HATE TOMATO?


"With Real Tomato Taste...", iyan ang ipinagmamalaki ng bagong variant ng seasoning powder na Lucky Me! Nam Nam  base sa inilabas nitong TVC kung saan endorser ang noontime show host at veteran comedian Vic Sotto.




Sa naturang commercial, sinabi rin ni Sotto na "No need to buy kamatis."  Hindi na talaga maawat ang pag-develop ng mga seasoning kapalit ng tradisyunal o nakasanayan nating pampalasa. 

Nauna na rito ang Knorr Guinataang Gulay Complete Recipe Mix  na maaari rin daw nating alternatibo sa tunay na gata ng niyog at iba pang seasoning.

Mabalik tayo sa kamatis, bakit naman natin iiwasan ang paglahok ng tunay na kamatis kung kapalit lamang ay kaunting matitipid na pera at kaunting ginawa sa pagluluto?



Kaya nga ba ng maraming Pinoy ang iitsapuwera ang maraming health benefit ng totoong kamatis?

Ayon sa website ng The George Mateljan Foundation for The World's Healthiest Foods, mayaman sa antioxidants at phytonutrients ang kamatis na tulong sa ating puso, bloodstream at buto.

Sa mga recent study, hindi naman daw kailangang maging mapula ang kamatis para lang masabing mas siksik ito sa  lycopene na itinuturong epektibong antioxidant at nagbibigay ng powerful anti-cancer agent.

Pero alam n'yo bang pinakasagana sa Vitamin C ang  1.00 cup raw tomatoes (180.00 grams) ? Umaabot ito sa 38.1%... kasunod dito ang Vitamin A (29.9%)  at Vitamin K (17.7%).

Sa pagtagal ng panahon na gusto nating maging mas madali ang araw-araw na gawain, huwag sana nating kalimutan na...
              may mga bagay pa rin na sadyang mas maraming idudulot na maganda at pangmatagalan kaysa sa aabot lamang ito ng isang "meal" at panandaliang kasiyahan ng ating dila.

No comments: