Thursday, October 10, 2013

CYCLONE ALERT: SANTI (NARI)



    Kung ikaw ay magbabakasyon o hindi naman gaanong importante ang iyong lakad sa eastern Luzon partikular sa Aurora at Quezon this weekend, marahil ay dapat ipagpaliban mo muna.


    Mataas ang banta ng Tropical Storm Santi sa Northern at Central Luzon, base sa monitoring ng PAGASA.
    Nari ang international name ng bagyong ito.


PAGASA storm track as of 11am, Oct.10 bulletin



    Kung titignan ang kanilang storm track, posibleng sa Aurora o Quezon provinces unang tatama ang bagyo sa Sabado.

    Sa report naman ng GMA Weather, tatawirin umano ng Bagyong Santi at direktang maaapektuhan ang Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at Pangasinan.

    Kung magagawa ng naturang bagyo ang predicted path na ito, halos hindi ito maiiba sa dinaanan ng magkasunod na Typhoon Pedring (int'l name Nesat)  at Typhoon Quiel (int'l name Nalgae) noong taong 2011, base sa mga nakalap kong impormasyon sa PAGASA website.


Source: PAGASA
 

    Paalala ni GMA Resident Meteorologist Nathaniel 'Mang Tani' Cruz, maaari pang magbago ang galaw ng bagyo sa mga susunod na araw.

    Maaari ring lumihis ito pa-hilaga o pa-timog kaya maaaring madagdagan o maiba ang mga probinsyang puwedeng daanan nito.


Source: GMA Weather
 
Source: Typhoon2000


    Matatandaan noong 2010, nagulantang ang marami rito sa NCR dahil sa pananalasa ng Typhoon Basyang (international name: Conson).

    May nagsasabing hindi raw naging maaga ang babala ng PAGASA sa posibleng pagdaan ng bagyo sa Metro Manila, na sa huli, nagresulta sa malaking pinsala sa lugar.
    Nagmitsa ito para magalit si Pangulong Noynoy Aquino at sibakin sa puwesto ang noo'y PAGASA Administrator na si Prisco Nilo.

    Mga karatig-probinsya lang ng NCR ang mga lalawigang posibleng daanan ng Bagyong Santi, dapat maging alerto tayo at updated sa weather news para maiwasan natin ang malaking pinsala...
    hindi lang sa ari-arian kundi sa ating mga mahal sa buhay. 

    
    Walang sinasanto ang bagyo.

   

No comments: