Ayoko nang pasanin masyado ang mga problema.
Kung hindi man maiwasan-- bukod sa pagtambay sa mall, pagpasyal sa aking tinubuang-lupa ang aking pag-aaksayahan ng oras.
Mangungumusta sa mga kaanak at muling ngingitian ang ka-PASIG-an.
Mahigit 10 taon mula nang lumipat kami sa malayong tirahan pero hindi nabubura ang Pasig sa aking alaala dahil sa lagi ko siyang nadaraanan.
Progresibo na ang lungsod, malayo na ang naabot mula sa una nitong simpleng imahe ng isang bayan.
Natutuwa ako.
Nararapat lang na makatanggap ng biyaya ang Pasig dahil sa pagmamahal ng lokal na pamahalaan sa kabataan at sa pagpapahalaga sa edukasyon para sa kanila.
Nasaksihan ko ang pagpupursige na makapagtayo ng public school sa halos bawat barangay... at hindi doon natapos, ang dami ng silid-aralan at iba pang gamit, tinugunan pilit. Kung titignan, magaganda ang mga pampublikong eskwelahan sa Pasig.
Para sa akin, malaki ang naging tulong nun para mapabuti ang aming edukasyon.
Hindi naman kami nagpabaya, kung bawat isa sa amin ay nagsisikap na magamit ang diploma para makapagtaguyod ng magandang buhay-- tiyak namang isa sa mga kalakip nitong bunga ay paunti-unti na kontribusyon namin sa Pasig, daan para sa ia-asenso ng siyudad.
Wala mang naniniwala na nagmamahalan ang LGU at ang mamamayan ng Pasig, sige- tawagin natin itong Mutual Understanding.
Nakilala ang Metro Walk, Rockwell Business Center, Medical City, Tiendesitas at sino ang hindi nakakaalam sa Ortigas Center bilang mga simbolo ng progresibong Pasig.
Isinaayos ang landmark na Mutya ng Pasig Public Market, ang kapitolyo at tinutukan ang pagpapatayo ng samu't saring imprastrukturang makatutulong sa lahat.
Ang mga ito, patuloy na naghahatak ng mga mamumuhunan.
Maging ang mga migrant mula sa mga karatig-lungsod at pati galing probinsya.
Walang duda, kaya pansin ang kaliwa't kanan nang mga condominium building at paupahang bahay o silid sa Pasig para tugunan ang paglaki ng demand.
Sabi nila, makikilala rin daw ang iyong pagkatao sa kung anong klaseng lugar ang kinalakhan mo.
Oo, ipinagmamalaki ko ang Pasig na labis na nagmamahal sa kabataan at sa halaga ng edukasyon para sa kanila.
Sa bawat biyahe sa kahabaan ng lungsod, hindi ako nagsasawang lumingon at masdan ang kapasigan.
Naka-ugat na ang kaluluwa ko sa aking tinubuang-lupa.
Parang childhood sweetheart lang ang peg kasabay ng aking progreso ay pagyabong din niya.
Natutuwa ako para sa kanya...
at marahil, natutuwa rin ang Pasig para sa akin.
*Ang akdang ito ay opisyal na kalahok sa Saranggola Blog Awards 4 sa Kategoryang Blog.
4 comments:
Good thing, see my website.www.yessoso.com
ang blog post na ito ay hatid sa inyo ng lokal na pamahalaan ng Pasig... hehehe joke lang :P
hayun! may nabasa rin akong ka-lugar...mabuhay ang pasig! kahit paminsan-minsan ay dumadanas tayo ng kalamidad...na magkasunod...
Good luck sa iyong entry!
Nice article...
By anunsyo
Post a Comment