Suki ako ng mga videoke sa mall at ang hanap ko ay ang 'open' sa 'public.' Booster kasi sa aking performance ang nalalaman kong may nanonood sa akin at napakikinggan ang kanilang feedback.
Kantahan din ang hanap ko sa mga dinadaluhang okasyon. Hala, magpa-Pasko na pala hehe
Pero aminado ako, hindi ako papasa bilang singer-- kundi videoke king lang! Hirap kasi akong magsaulo ng mga titik ng kanta.
Ilang awitin na rin ang naging bahagi ng buhay ko at sa aking pagpanaw, malamang, ito rin ang makapagkukwento ng anong klaseng tao ako at anu-ano ang mga pinagdaanan ko.
Can You Feel the Love Tonight -- Elton John
Ang una kong natutunang kantahin sa karaoke tape na nauso pa hanggang dekada '90. Impluwensiya sa marahil ay una kong napanood na animated movie-- The Lion King. Salamat din sa koleksyon ng karaoke tapes ni Uncle Jessie.
Wag Ka Lang Mawawala -- Ogie Alcasid
Inawit ko at pinahusga sa aking singer na college mate na si Ellaine. Pasado raw sa kanya ang voice quality at syempre ang pagtirada ko, naks!
Backstreet Boys music
Ang boyband na ito ang tumulong sa akin na muling ma-appreciate ang music sa gitna ng aking pinagdaanang krisis na may dramang "me against the world." Una ko silang nakita sa video na I'll Never Break your Heart.
Standby Me -- Oasis
Hindi ko man kabisado at trying-hard ang pag-awit ko rito... ang Oasis ang nagturo sa akin na i-appreciate rin ang alternative music. Sumunod sa kanila ang Linkin Park.
High -- The Speaks
Isang highschool student na lalaki ang nag-request na kantahin ko ito para sa kanya at sa kasama niyang girlfriend. Una na niyang ni-reserve sa videoke machine ang kanta. Akala ko nagbibiro siya... pero hindi raw, kaya pinagbigyan ko sila. Natuwa naman ako na nagustuhan nila ang pag-awit ko.
She Will Be Loved -- Maroon 5
Paboritong ipakanta sa akin ni Ate Gina, ang suki kong videoke operator sa Ever Ortigas. Kapag kinakanta ko raw iyon, naaalala niya ang kanyang yumaong asawa.
Sarado na ngayon ang videoke ni Ate Gina at biglang nawala ang aming komunikasyon.
How could this happen to me
I made my mistakes
I've got no where to run
The night goes on
As I'm fading away
I'm sick of this life
I just wanna scream
How could this happen to me
Untitled -- Simple Plan
Ito ang awiting gustong ulit-ulitin ng isang pessimist na gaya ko. Ilang beses kong hiningi kay God na kunin na niya ako sa gitna ng aking marami kong tanong at agam-agam sa buhay. Tingin ko, ang paghihiganti ko ay nagmula sa makailang-beses kong napagdaanang panghahamak, pagdududa, pagkukwestyon sa aking kakayahan, kakayanan, at katauhan.
This is the Moment -- Erik Santos
Kung may kanta ako for senti mode, meron naman para sa triumph days
Kastilyong Buhangin -- Basil Valdez
Dito ako nakilala ng dalawang reporter. Ito kasi ang unang binira ko sa videoke nang mag-outing kami sa Bataan.
Don't you ever say
You don't like the way you are
When you learn to love yourself
You're better off by far
And I hope you always stay the same
'Cause there's nothing 'bout you I would change
Stay the Same -- Joey McIntyre
Ito ang magsasabi sa akin paulit-ulit na dapat simulan ko nang mahalin ang sarili. Masyado kasi akong naka-depende sa opinyon ng ibang tao-- marahil dala nga iyon ng nakasanayan kong pagkukumpara sa akin kaya pilit kong tumitingala sa iba. Dapat pogi rin ako, matangkad, maganda ang pangangatawan, matalino, maabilidad, mayaman, ma-appeal, maporma at kung anu-ano pa. Kapag inaawit ko ito, halos dinudurog ko na ang puso ko sa dami ng regrets o kaya ay paninisi sa sarili kung bakit kailangang maraming biyaya ang di ko nasasalo o nakukuha.
Hindi ko alam kung ano ang pinaka-angkop na kanta para ilarawan ako... marahil ito na iyon-- Stay the Same -- pagpapaalala sa akin hanggang sa kabilang-buhay ko o kung bibigyan man ulit ako na mabuhay sa ibang panahon. Pagpapaalala rin ito sa iba na nasa halos kaparehong sitwasyon ko-- huwag nyo na akong gayahin. Ito na rin ang kanta na gusto kong ipatugtog sa aking libing, please, walang prusisyon!
1 comment:
friendship..na-add na rin kita sa wakas. :) ganyan tlaga kapag wala ng work and full time na magnegosyo kuno :) remember me? je brought me to your place once :) videoke king ka pala :)
Post a Comment