Sunday, December 25, 2011

ANTIPOLO EX-SPA-RIENCE

(NOTE:  Since Year 2013, the featured establishment has been closed and reopened under new management and new business name.)

I'm a fan of Wensha Spa even when I just starting to learn how to pamper or treat myself with body massage early this year.

My first ex-Spa-rience here was great. I usually go to Timog branch. Si ate na aking therapist ay talagang may lakas-lalaki kung magmasahe hehe. Natuwa pa talaga ako na nasasaktan na ako sa ginagawa niya... maririing pisil, pananapak sa katawang-lupa, buwis-buhay na stretching, at sagad-sa-butong hagod.

Well, it should be in that way... andami ko na kasi talagang lamig sa katawan. No pain, no gain, as we say.

Rewarding naman ang lahat nang ito :)



Last December 23, late night, I rushed to the newly-opened Wensha Spa along Sumulong Highway in Mambugan, Antipolo City. If you're coming from Masinag, lagpas lang konti sa Francis Ville at makikita ang Wensha sa area ng Cafe Lupe (bago pa ito dumating sa Valley Golf). Most jeepney drivers were not yet familiar with Wensha, kaya, dapat na-ocular mo na ang lugar o nag-research ka ng other details :)


Maliliwanag at maluluwag ang locker at wet areas, sorry I can't take pictures there at saka mag-isa lang ako.

Nanibago ako sa Wensha. Walang gaanong tao compared sa Timog. Siguro dahil bago pa nga lang, last December 15 lang kasi ito nagbukas.

Maaliwalas ang lugar, very cozy, napakalinis at mas malaki kumpara sa Timog branch. After na ng aking massage and all when I met the manager Mr. Jon Remiso habang nagpapasuyo ako sa ilan nilang staff na kunan ako sa kanilang lobby.

Then, Jon offered me to a 'tour' of the building... and allowed me to take pictures. I told him na blogger ako. Hindi ko na sinabi yung tungkol sa locker at wet areas, nakakahiya eh.

P680 rin ang offer ritong body massage inclusive of 6 hours accommodation at ang free use of dry & steam sauna and hot & cold jacuzzi.

Sa ground floor ang reception, lockers, and wet areas.




By the way, kasama pa rin syempre sa P680 body massage ang eat-all-you-can buffet (scheduled). Remember to relax and enjoy the chitchat and meal with your family/friends in Wensha's dining area at the second floor. It also has the veranda that overlooks the parking lot and the Sumulong highway hahaha.




Speaking of overlooking, Wensha Antipolo boasts its entertainment hall (on the third floor) na overlooking Manila. Music lovers/ party goers will also enjoy WS live band there every night.

Mayroon din itong restaurant and bar areas. Sa Antipolo branch lang daw meron nito (hindi pa ako napupunta sa Wensha Pasay na balita ko, under renovation). Although 24 hours ang operation ng spa, hanggang 2am lang daw ang sa resto-bar. All of these amenities, of course, may additional charges na.

The management of WS Antipolo has yet to complete the pricing for special functions.



Kind of massage?! Nothing's change. Magaling pa rin ang therapist na na-assign sa akin. Sa lower ground floor makikita ang massage area.

Nakakwentuhan ko yung therapist... sabi ni ate, galing Pasay branch sila. Medyo mahina pa ang kita, maswerte na ang makadalawa sila sa isang araw.

Sabi ko naman, pi-pickup din naman ang WS Antipolo sooner. Saka, may pangalan na ang company.


You may contact WS Antipolo on these numbers;
(02) 655-7377/ 655-7402/ 655-1765 (Fax).



3 comments:

The Joker said...

the place looks great!

Justine said...

share ko sa fb..ok reviews mo

toplatsi said...

oki lang.

tnx guys jdlonas and justine