Tuesday, November 8, 2011

PENCIL AND TEARS

Sa mga nakalipas na araw, itong ka-Facebook ko na si Kath Del Rosario may ilang bagay na nilalaro sa kanyang isip. Hindi ko alam kung may pinagdaraanan siyang problema o naka-relate lang sa napanood o nabasa niyang love drama hehe.
Heto ang isa...
Kapag iniiyakan ka ng lalaki, mahal ka niya talaga agad? Hindi ba puwedeng Best Actor muna?  :D  HAHAHAHAHA =))
Honestly, nung sinagot ko yung post (nag-like din naman ako) niya, pagtatanggol iyon sa aming part. 
Gayunman, I tried to be neutral, syempre, si Kat naman ang madalas makasama ng guy.


Narito ang aking sagot sa kanyang post.

Hindi naman siguro... mararamdaman nyo naman iyon bilang babae unless may lamat na ang trust mo sa kanya o di mo talaga siya mahal.


Alam nyo kasi girls, hindi madaling makitaan ng emosyon kaming mga lalaki... eh, doble pa iyon kung siya ay pala-kimkim. Kaya kahit somehow, ma-appreciate nyo o bigyan ng benefit of the doubt ang aming nararamdaman. Tao rin naman kami. 
Narito naman ang pinakahuling pinost ni Kat...
Alam mo ba kung bakit lapis ang gamit ng mga bata?

Para malaman nila na pwedeng itama ang mali.

Pero alam mo ba kung bakit bolpen ang gamit ng mga kagaya natin?

To make us responsible enough to the things we are going to do; to remind us that in every action there's a consequence whether it is good or bad.
Mukhang malalim ang pinaghuhugutan ng aking FB friend hehe.... she has a point, really.
Pero, sa unang basa ko rin, there are things to consider pa...to think na more people are getting rude hahaha. Madalas makalimot dahil na rin siguro sa pagkakaiba-iba natin ng pananaw at panuntunan sa buhay.
Binigyan ko si Kat ng aking malamang tugon para sa mga gaya nating nakatatanda na hahaha.
Pero kelangan din ng mga gaya natin ang lapis pa-minsan minsan. I-acknowledge ang maling nagawa at agad akuin ang responsibilidad na itama ito sa lalong madaling panahon. Wag nang isipin ang ego o pride dahil porke maganda at mamahalin ang iyong ballpen.
 

1 comment:

Anonymous said...

Hey, Kuya Wilson. Thanks for the blog! Haha. :) Nabasa ko lang din ang best actor quote sa twitter. And then reposted ang isa. Pero, sa totoo lang natawa ako and may narealize that's why pinost ko din. :) Pag-ibig at trabaho nga naman. :)