Nagkampeon pong muli si 8-Division World Boxing Champion Manny Pacquiao.
Natalo ng Pambansang Kamao ang Mehikanong si Juan Manuel Marquez via majority decision, sa kanilang paghaharap sa Las Vegas, Nevada, USA.
Pukpukan ang naging tunggalian ng dalawang boksingero.
Kapansin-pansin ang pagiging mas agresibo at mas mabilis ng El Dinamita habang ang Pound-for-Pound King, tila nagiging maingat sa bawat galaw... bagaman, nananatili pa rin siyang matatag sa ibabaw ng ring.
Mula round 9 hanggang 11 lumitaw ang pagka-agresibo naman ni Pacman.
Ang panalo ni Pacquiao kay Marquez, dahilan para mapanatili niya ang kanyang WBO Welterweight Championship.
Just my two cents: Compared to Pacquiao's previous fights, I'm not impressed with his performance on this fight. Hindi nga ako na-excite for him dahil halos majority ng laban, lamang na lamang ang galaw ni Marquez. Ni hindi ako napapalundag sa tuwa, gayong alam kong mabilis siyang nababawian ng El Dinamita. Judges scores para kay Pacman... 114-114, 115-113, 116-112.
Hindi ako boxing analyst... pero nahihinuha ko, kung matuloy ang Pacquiao-Mayweather at ganito rin ang magiging takbo ng laban-- mas malamang, papanalunin ng mga judge ang American boxer.
Parang dapat may Pacquaio-Marquez Part 4 (call it, The Ice Breaker) hahaha
May matapang kayang magtatanong kay Pacquiao tungkol dito pag-uwi niya sa bansa?
No comments:
Post a Comment