Sunday, November 13, 2011

DINNER WITH TERESITA

Mula sa simpleng paghahanap ng tatambayan at makakainan--- hayun, hindi ko namalayan na napalayo ang paglalakad ko at napadpad ako sa food hub ng Tomas Morato Avenue sa Quezon City this Sunday early evening.

Dito ako inilipad ng hangin... sa Teresita's Halo Halo and Palabok Restaurant, located in the same building ng Bubble Tea at Brothers' Burger.



Ang aking first try, ang Teresita's Sisig. Walang value meal for this, though, may iba namang inaalok na rice meal gaya ng embotido et al.

Around Php100 above ang rice meal dito. Walang drinks na kasama.

Php140 ang sisig (good for 2 pax).
Php20 naman ang isang order ng rice.


Bagaman, naka-dalawa akong rice, hindi ko naman medyo nagustuhan ang sisig dahil sa dami ng sibuyas.




Hindi ko naman pinalampas na subukan ang dessert dito - ang ipinagmamalaking Teresita's Halo Halo!



Php95 ang special na may lahok na langka. Less P10 naman ang regular halo halo. Ang inorder ko ay ang special... super masarap! Nag-swak yung pagkapino ng shredded ice sa mga ingredient na bagaman bilang sa daliri kumpara sa makikita natin sa ordinaryong halo halo.

Masasabi kong nakahanap ng katapat ang Razon's Halo Halo.

No comments: