Wednesday, October 12, 2011

SI LHUILLIER, PHOTOSHOP, AT BAGYONG RAMON

Why does the pronunciation of  "lhuillier" of Cebuana Lhuillier Pawnshop differs from Monique's surname, the prominent Hollywood-based Filipina fashion designer? BTW, Monique Lhuillier was born in Cebu.


***

Overheard from Aajao...

Buti si PNoy, hindi mahilig sa photo-op; ang DPWH, mahilig sa photoshop.

Foto credit: Jay Morales / Gil Nartea / Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau


***


Since umere ang Iglot over GMA-7, sabi ko sa sarili, may kamukha yung lead child star na si Milkcah Wynne Nacion. Ngayong gabi, natunton ko na kung sino...

Siya ang komedyanteng si Patricia Ysmael. Ilang beses na rin natin siyang napanood sa mga TV comedy show sa ABS-CBN at GMA.



***

Pinaniniwalaan mo ba?



Pinaniniwalaan mo ba ang resulta ng mga online o text voting ng mga reality-based TV program?

-Ako hindi. Ano ang sense ng ganyang voting kung ang show/contest ay may judges naman? at kung tayong mga Pinoy ay aminadong mahilig sa 'money-envelope voting' kapag may ginagawang beauty contest sa bara-barangay at handa ang lahat ng ating kamag-anak at kaibigan na mag-donate ng pera para lang manalo ang kadugo?!



Pinaniniwalaan mo ba ang list ng trending topics ng Twitter at Yahoo?

-Ako hindi. Hindi naman lahat ng nagta-type in ng keyword sa search engine ng Twitter at Yahoo ay may persepyon agad na paborable sa partikular na paksa. Kung ako, ayoko man ng isang show pero maaari pa rin naman akong mag-usisa tungkol doon-- siguro para maghanap ng maipupula roon.




Pinaniniwalaan mo ba ang mga lulubog-lilitaw na intriga sa lovelife ni Pangulong Aquino?

-Ako hindi. Pansin ko kapag may malaking isyu sa bansa na nasasapul ang PNoy administration ay siyang sulpot ng balita tungkol sa bagong 'date' daw ng pangulo o minsan ay mismong si PNoy pa ang nagjo-joke tungkol sa kanyang ZERO lovelife.... samantalang ilang sandali, magko-comment na siya na 'wag nang intrigahin ang kanyang buhay pag-ibig. Ang showbiz!


Pinaniniwalaan mo ba ang intensyon ng media na itanong agad ang magiging pangalan ng bagyo kahit hindi pa ito pumapasok sa bansa?

-Ako hindi. Nakalilito ito sa halip sa ibang manonood. Halimbawa, itong Bagyong Ramon, ilang beses na nababanggit ito bilang susunod na pangalan ng bagyong nasa malayong silangan ng bansa pero makailang-beses na humina at lumakas ang sama ng panahon (low pressure area). Sa ilang umpukan tuloy, may ibang napagkamaliang sa letter 'S' na ang pangalan ng susunod na bagyo-- na actually, si Ramon pa rin dapat. Hindi naman sa sinasabi nating hindi matalino ang mga Pinoy at hindi marunong makinig sa mga TV interview pero dapat isaalang-alang din na minsan-- sa media, there's a thin line among "giving precaution," causing panic to public, misinformation, being misquoted and 'sensationalism.'

No comments: