'Agos' means "water current"
'Unos' implies on inclement weather
"Agos ng Unos" ang title ng special segment ng TV Patrol (ABS-CBN 2) patungkol sa sinusuong na pagsubok ng mga nasalanta ng Bagyong Pedring at Quiel.
Conflicting ang dalawang word na ginamit doon. Kapag narinig mo kasi ang word na 'agos' -- karaniwang banayad ang agos ng tubig bagaman pwede naman itong magsungit samantalang kapag narinig mo ang salitang 'unos' --walang dudang nag-aalimpuyo ang sungit nito.
Paano mo ngayon ire-reconcile ang dalawa (kung ipipilit natin)?
Ito ang ilang suhestyon...
(a) "Malakas na Agos ng Unos"
(b) "Hagupit ng Unos"
2 comments:
Tama ka riyan kapatid. Napapansin ko sa mga broadcasters ngayon nagpapalaganap ng maling paggamit ng salitang tagalog eh. Gaya ko bobo na nga ako magtagalog madagdagan pa lalo. keep it up! Follower mo na ako. Hehe!
Tina-pay. :)
Salamat. Hindi naman ganung katatas sa paggamit ng wikang Filipino :)
So far, madalas si Cristy Fermin ang nahuhuli kong mali-mali sa paggamit ng wikang Filipino. Minsan si Boy Abunda na rin.
Post a Comment