Cozy place ang True Deli Cafe na binisita ko sa Victoria Towers Station 1 along EDSA, Quezon City.
Ang entrance ng condominium na ito ay kadikit lang ng MRT Kamuning Station. Papasok ka pa lang ay bubungad na sa iyo ang coffee shop and restaurant na ito.
Natuwa ako na kahit na katabing-kalsada ang building at ang True Deli... hindi naman ako naabala ng ingay sa labas at maluwalhati ang aking pananatili sa establisyimento.
Maraming food na mapagpipilian. Ang matuturing na budget meal nila rito na mai-aalok ay ang short order na nagkakahalaga ng P140.00 -ulam, rice, at sabaw.
Sorry, hindi ako food critic-- kaya, hanggang "masarap" lang ang pwede kong masabi sa kanilang mga putahe. Pasado... pero a little bit pricey.
Sa mga gutom na gutom, pagpipiyestahan nyo tiyak ang Sinampalukang Kambing (P155), Litson Pato (P1,450), Dinakdakan (P185), Pinakbet (P115), Kare-Kare (P230) at iba pa.
May silog din sila. Price ranges from P110- P245.00
Cold coffee- P55.00...
Malamig na salabat- P35.00
Moka Prap (read: Mocha Frappucino)- P120.00
Milk, Choco, o Strawberry Shake- P80.00
Ang dinadayo ko talaga sa coffee shop, bukod sa cozy ng lugar, ang pag-order ng frappucino.
Disappointed ako sa "Moka Prap" ng True Deli dahil siguro sa packaging... na ang plastic cup ay animo'y malutong na plastic na anytime pwedeng madurog kapag nasagi ako nang konti. Parang tinipid, kapag hinawakan mo ay maririnig mo pa ang lutong ng plastic cup.
Hindi rin ganung ka-exceptional ang frappucino nila.
I don't know pagdating sa pagse-serve nila ng hot coffee kung papasa sa maraming coffee lovers diyan.
Pero sa mga nais pa ring mag-try... walang masama di ba? Visit True Deli or call 441-8560 or 709-4930.
Ako naman, babalik pa rin naman ako doon whenever my stomach growls :)
No comments:
Post a Comment