Wednesday, August 24, 2011

NAGTA-TAB SI TOPLATSI

Sakto isang linggo na ang lumipas buhat nang mairegalo sa aking sarili ang cellphone-cum-tablet na ito.
Ine-enjoy ko pa rin at alagang-alaga, higit sa turing na bagong laruan- pabirong tanong nga ng iba, "Baby mo?!"

Oo, mahal ko ang baby ko... mahal kasi siya (expensive) hahaha.


Ilang buwan ding nanimbang kung tama ang desisyon na bumili ako nito. Luho lang kaya ito o talagang isang pangangailangan?



Halos ka-presyo ng Samsung Galaxy Tab P1000 ang iPad. Ano ba ang pagkakaiba?

Maraming fans ang iPad, parang 'barometer' ito ng ibang tablets na naglabasan gaya ng Tab. Ang inayawan ko lang dito ay camera. Balik na tanong nila- "eh, bakit ka naman kasi gagamit ng tablet para mag-picture?"

May tama sila roon... pero para sa isang writer-in-nature na gaya ko at frustrated photographer, kung on-the-spot ay may nais akong kunan (litratuhan) at i-diretso na iyon mai-upload sa aking blog-- swak sa needs kong ito ang Tab, wala nang hassle sa pagpasak pa ng flash drive!

Mahirap i-sustain din ang lifestyle na ise-set sayo kapag nagkaroon ka ng iPad.

Eversince naman, multi-tasking ang hanap ko sa gadgets. Naalala ko ang Nokia N93 na mahigit 4-5 taon na yata sa akin. Hindi ko na iyon nagagamit dahil may sira na ang back cover nito- baka maiwala ko pa ang battery, kaya iginarahe ko na sa bahay. Nagagamit pa naman.

Hindi rin ako nagsisi sa N93 nang i-consider ko ang magandang lens ng camera nito, pati sa camcorder. Nakakapag-edit nga ako doon ng videos.

Same case sa pagkuha ko ngayon ng Tab... cellphone, tablet, camera, and camcorder in one.

Wala na rin kasi akong Asus netbook matapos kong ipagbenta iyon sa Greenhills, isang araw nang kami'y kapusin sa pera. Sana, hindi ulit mangyari iyon :)

Nakakatuwa, higit sa pagkamangha o pagbati.... nakakataba ng puso na suportado at nauunawaan ako ng ilan sa aking mga kaibigan/ katrabaho.


Tandaan ko lang daw parati, nagtatrabaho tayo para mabuhay... hindi tayo nabuhay para magtrabaho lang.

Hindi na ako magko-comment, pessimist ako e hahaha.


Pero seryosong usal nila...
Masaya raw sila para sa akin dahil bihira lang daw nila akong makitang naglilibang sa gitna ng pitong araw na aking pagtatrabaho. Makatwiran lang daw ang pagbili ko ng Tab. Hindi dapat ma-guilty, maging masaya lang.... ok ang mag-Tab!

1 comment:

Andrew said...

yehey!