Just turned 30... getting old but it didn't bother me at all.
For the past 9 years naman kasi, ang lagi kong iniisip ay "makapanlilibre kaya ako?"
Habang tumatagal ako sa industriya ay lumalaki ang aking utang sa aking hinuha at sa tuwing kaarawan ko ay nagbabalik ito at animo'y naniningil hehe.
Sabi raw ni Abraham Lincoln, "And in the end, it's not years in your life that count. It's the life in your years"... hindi lang naman sa simpleng rason na gusto ko lang mag-feelingerong 'can afford' na mag-blowout kundi para sa bihirang paraan ko ng pagpapasalamat sa mga ibinigay nila sa akin. Alam naman kasi ng marami na 'di ako ganung kaluwag sa pera pagdating sa usapang 'blowout.' Alam naman ng marami na iba ang prayoridad ko.
Pero bilang ko-- silang mga sumusuporta, nagpapangiti, at nagmamahal sa akin... silang nagtitiyaga sa gaya kong pessimist... yun nga lang, pasensya kung hindi ko na rin kayo agad mamukhaan-- visually impaired na kasi ako hahaha o nakakaranas na ng senior moments?!
Others claim na asensado na ako, I said- hindi pa... hindi pa ako tapos dahil hindi ko pa matatawag na financially stable ako. Hindi gaya ng iba, nakakapag-ipon sila at naaayos ang mga bagay-bagay para sa kanilang sarili samantalang ako, swerte na ang masumpungan ang pagkakataong ako'y magpursigi at paglaanan ng oras ang sarili.
Hindi ko sinasabing sawa na akong magbigay-suporta sa pamilya namin... hindi lang talaga siguro maiwasan na minsan, napapangiwi ka sa sakit ng katawan at pagkahapo.
Kaya naman, nami-miss ko ang dating 'Ako'... ewan ko ngayon pero para sa akin- mas simple ako noon...konti lang ang iniisip ko para sa sarili at iyon ay ang yumaman hehe.
Kapag nagkapera nang kaunti, matutuwa na ang kumain sa isang fine dine-in resto isang araw.
Buti na lang, nakikita ko pa naman ang ganitong mga bagay ngayon... yung simpleng kukumustahin ako ng bunso namin na ilang araw na raw akong nami-miss dahil hindi na ako arawan umuuwi sa bahay... pagmi-miskol ni Mama... pagpipilit ni Papa at Berto na wag nang ituloy ang pangungupahan... ang ilang ulit na pag-a-assure ni Cris na nag-aaral siyang mabuti at pag-regalo sa akin ng cake ni Moor.
Choco Fudge Cake, regalo sa akin ni Moor... may pangalan ko pa o! hehe |
Sa workstation, salamat kay Josh sa Toblerone... pasensya na kung parang madaldal na ako sa aking birthday.. siguro, proud lang ako na 30 na ako somehow. Sa totoo, nagtataka ako bakit ako umabot ng 30 gayong noong kabataan ko ay aking laging sinisinghalan ang Diyos na sana ginawa Niya akong ipis para madaling matapakan at mapatay.
Sabagay, duwag din naman ako... hindi sa aspetong natatakot ako na mamatay kundi ayokong mamatay na may utang na maiiwan sa aming pamilya dahil IYAN ang agreement ko sa aking sarili... kaya marahil ay humihinga pa rin ako. Kailangan magawa ko iyon dahil para sa akin --iyon ang binigay sa akin ng tadhana.
Inspirasyon? Who else? Where I do look for that?
Mahirap kalabanin ang aking sarili na ang prayoridad ay career at pera... ako, aminadong hirap maapuhap ang sagot. Nahagingan ko lang itong topic para ma-set natin ang record straight for you... hindi ko masyadong iniisip ang lovelife kasi baka sabihin ng iba- assuming ako at nagpapa-front. Syempre umaasa naman kaso wala talaga e. Siguro dahil late bloomer nga ako... kelangan ko pang daanan ang mga napagdaanan na ng marami.
Kelangan ko rin namang mag-invest sa sarili... pisikal man o pambulsa para ako'y maipagmalaki ng iba. Dahil lumaki ako na KSP at laging nakukumpara sa iba-- kaya, mula noon, pilit kong inaabot ang mga bagay kahit wala ang tulong ng iba. Linawin ko lang, hindi ako nantatapak o nanggagamit. Nakarating ako sa puwesto ngayon dahil sa sarili kong dugo at pawis... ni wala akong backer, ni hindi ako cum laude o maski nga ni mention sa schools na pinanggagalingan ay wala.... meron ako noong grade school Most Industrious at Most Neat... habang sa high school ay beneficiary ako ng scholarship ni Mayor na may buwanang allowance na P50.00 that time :)
Kinuha ko ang certain college course.. sa pag-asang baguhin ang shy-type personality ko noon at mahasa ang aking writing skills.
Ako'y pilit nagpapa-pogi sa pamamagitan ng pagiging metrosexual --bunsod ng paniwalang ang mga babae ay mas madaling makunan ng atensyon ng mga pogi o cute.
Ako'y pilit nagpapakayaman dahil sa hirap ng buhay ngayon-- mas malakas pa rin ang dating na "taong may datung." Good luck... manalo sana ako sa Kaskas For Cash. So far, Fit N Right Juice ang nakukuha ko pa lang.
Just turned 30.
In coming days, balik 20s na ulit ako... dahil ako ngayon ito na isang pessimist na ang gusto na ay mga optimistic pips ang umaaligid sa akin. Hindi ko man maipangako na mababago ang aking outlook in life pero at least, alam ko na ngingiti ako hanggang sa aking libing dala ng ibinibigay nyong inspirasyon sa akin.
Sabi ni Soren Kierkegaard (nosebleed), Life can only be understood backward, but it must be lived forward.
4 comments:
aww. nakakatuwa at nakaka-inspire naman itong basahin kuya wils. pasensya na di kita nabati. happy birthday! hehe. sana ibigay na ni Lord ang mga nararapat mong matanggap na kaligayahan. :)
YEHEY ANG HABA NG BIRTHDAY BLOG POST! WOOHOO....
Wow happy trenta! Be proud...ung iba nga di na tlaga umabot ng gnyang age
@JM na-touch naman ako hehe
@aajao may natutunan ka ba haha
@semidoppel tnx... oo naman, happy ako sa age ko
Post a Comment