Paano mo ilalarawan ang dalas ng dalaw sa iyo ng 'suwerte'? Maaaring ang sagot mo ay 'hindi ka laging sinuswerte' o di kaya ay 'swerte-swertehan lang.' May mga tao namang binubuwenas... yung tipong kaiinggitan mo; mga suki sa bingo, raffle, at tong-its.
Kapag Christmas party, may namumukod-tangi ka nang kilala na 'who's the lucky guy' na mag-uuwi ng.... pangkabuhayan showcase!
Ultimo sa kaliit-liitang bagay, kapag hindi ka tinantanan ng biyaya, maski nakatungo ka-- babagsak sa ulunan mo. Maski pa, gaano kalaki o kaliit na halaga iyan, sa panahon ngayon, si Juan ay malaki na ang pasasalamat sa swerteng natisod.
Hindi kataka-taka, may mga pamilya lalo na ang mga ginang ng tahanan-- suki ng mga pa-raffle din sa TV contests kung saan magpapadala ka ng kapirasong papel na may kalakip na anumang sachet o pakete ng isang produkto na sponsor ng palaro. At sa papel, nakasulat ang kumpletong pangalan, address, at signature. Presto, ihulog na sa drop box. The more entries you send, the more chances of winning, ganyan pa ang drama ng pang-aalok sa TV contest-- no wonder, marami ang nahuhumaling sumali.
Pero may mga contest na biglaan ang dating... maluluha ka sa pagkabigla at tuwa. But ask yourself first, did you join the contest? Kilala ba ang establishment na prumutor ng contest?
Mas magduda ka kung humingi pa sila ng pera o anumang may halaga para raw sa inisyal na pag-process sa pagkolekta ng iyong premyo!
Napakasimple ng mensahe natin dito... pero nagtataka pa rin ako, bakit marami pa rin ang naloloko ng mga text scam?
Anyway, Congrats Doy sa P100-worth of gift certificate from 711! Thanks sa blowout hehe
1 comment:
si Doy na ang bigateeeeennnn!!!
Post a Comment