Ups and downs ika nga... makailang-beses kong naranasan, ipinagdiwang, idinaing, ikinagalit, at minsan, iniyakan. Nakakapagod. Sabi nila, opsyon mo raw iyon-- opsyon kung gusto mong lunurin ang sarili sa trabaho, bagay na di ko sinasang-ayunan.
Hindi naman talaga kasi pantay-pantay ang oportunidad sa buhay ng bawat isa.
Foto credit: BlueFrog007 |
Unang decision-making... magtiyaga ng may 1 taon na walang kompensasyon sa on-the-job training. Tiniis ko iyon, pikit-mata kahit hirap ang pamilya. Buti, naawa ang kapalaran, nagka-bakante... nakapasok ako.
Ikalawa, inalukan ng ibang trabaho-- mas mataas na katungkulan at kakainin ang dalawang araw na pahinga... ayaw man sa una pero dahil sa pera, tinanggap. Buti, nagagamay na.
Ikatlo, iwan ang una at matagal na nakagisnang workplace... nawala na kasi ang loyalty, nasira ang tiwala, nadurog ang dignidad. Buti, nakarekober at napalipas iyon ng maraming buwan bago tuluyang naglakad muli nang taas-noo sa lahat.
Ika-apat, iwan ang tirahan para sa pera at konting pahinga... hindi man totoong makatitipid, okey lang. Naghahanap kasi ng konsuelo sa sarili-- hindi man matukoy kung ano iyon, bahala na... nangangailangan kasi ng pera.
Nakakapagod mang mag-isip sa mga ganitong uri ng alalahanin... kakayanin naman... at kahit pessimist sa buhay, tatanghod pa rin para makasilay ng konting liwanag.
No comments:
Post a Comment