Thursday, May 5, 2011

KONDUKTOR SA JEEP

Ano ang mga kinaiinisan mo sa isang konduktor ng jeep?


File Photo: Jeepney passenger


Natanong ko ito dahil sa simpatiya ko sa isang pasaherong binatilyo kahapon na sabit sa estribo. Makalipas ang ilang minutong biyahe, may bumabang pasahero mula sa 'di kalayuan upuan sa estribo. Paupo na roon ang lalaki nang sitahin siya (akala ko nga, may away) ng konduktor na huwag daw siya doon maupo at sa halip, pasakayin ang isang babae na pasampa na sa jeep.


Sumunod ang binatilyo, naupo ang ale... at ang konduktor, inilaan ang maliit na bangko (small wooden bench chair) para sa lalaking sinita niya.


Sa Ortigas Center area bumaba ang binatilyo habang si ale ay sa Crossing.

Don't get me wrong, I'm not promoting gender discrimination o anuman... it's that you cannot oblige someone to be righteous as you are, magkaroon ng etiquette ng gaya sa iyo, or be a gentleman and always offer your seat to a lady. Pareho lang naman ang ibinayad na pasahe ng binatilyo, I doubt kung may discount siya.

Sa akin, dapat mas maayos ang tono ng konduktor... siguro, dapat tonong 'pakiusap' -- hindi 'utos.'

Let's be realistic, hindi nasusukat ang pagkamaginoo sa isang upuan lang.

No comments: