Blessed John Paul II... iyan na ang itatawag natin sa yumaong santo papa. On May 1st, the whole world will witness the beatification of JP2.
Faithfuls will surely watch the ceremonies. Pope Benedict XVI will lead the beatification which he had promised before the pilgrims in Rome, April 2009. According to Wikipedia, beatification is the third of the four steps in the canonization process... before an individual declared as a saint.
Dito sa Pilipinas, tiyak, kaabang-abang ang okasyong ito. Dalawang beses binisita ni JP2 ang bansa noong 1981 para sa kanyang pastoral visit at noong 1995 naman para sa World Youth Day... masasabi ngang malaki ang puwang sa puso ni JP2 ang mga Pinoy. On the beatification, the Rome-based Filipino choir Karilagan Singers is set to sing for that special day.
Pope John Paul II |
Ewan ko nga ba kung bakit parang mas pinalalaki ng media rito sa Pilipinas ang Royal wedding nina Prince William at Kate Middleton on April 29. The much-hyped publicity for the royal wedding of the century in London is very evident almost every hour airing over 3 TV network giants in the Philippines, bawat isa nangangako para sa full live coverage.
Pero kapansin-pansin, hindi ito gaano kinakagat ng masa maski pa sabihing parang fairytale ang love story nina Prince William at Kate. Most of the netizens, violent reactions din ang pino-post sa mga discussion forum sa internet tungkol dito. Gaano nga raw ba kalaki ang impact o halaga ng royal wedding sa mga ordinaryong Pinoy?
Minsan, ito ang sakit ng media... nagiging kasangkapan sila ng komersyalismo at idealism na nagtutulay tuloy para magkaroon ng hindi angkop o minsan, maling pananaw sa mga bagay-bagay ang isang manonood/ mambabasa.
Snapshot: TV5 Interaksyon Webpage - Royal Wedding of Prince William and Kate Middleton |
No comments:
Post a Comment