Wala ako sa bahay sa haba ng aking oras ngayong Holy Week, hindi ako 'staycation'... pero lalong wala ako sa anumang pasyalan, beach, o pilgrimage site.
Nasa workstation ako ngayon, my second day. Wala kaming holiday e, so, trabaho pa rin. Wala namang bitterness haha. Habang nasa EDSA yesterday riding the bus, feeling vacationer ako somehow. Just wearing undershirt, pants, and shades. Bitbit ang malaking bag na puno ng extrang damit and some personal stuff, hindi ko naramdaman ang pagka-outcast dahil ang aking postura ay hindi naman nalalayo sa iba pang mga sakay ng bus na pangbakasyunista na ang angas.
Sayang, dapat nagdala ako ng isang lata ng biskwit haha
Foto credit: memory kill |
Gaya ko, marami pa tayong kababayan ang walang bakasyon... security guards, media practitioners, at mga nasa government service tulad ng pulis at sundalo. Babawi na lang daw sa pagsimba this Easter Sunday o anumang araw.
Snapshot: GMA News Online |
Ang konsuelo na lang ay kung ang mga katrabaho mo ay hindi pang-Biyernes Santo ang mood at handang iwaksi ang iyong kalungkutan o pangungulila. Maglaro kayo ng chess, sungka, at tagu-taguan sa workplace. Para hindi makaabala, pwede naman yatang mag-Facebook o Plants versus Zombies.
Kung bawal ang mga nabanggit sa inyong lugar, chitchat muna kayo sa pantry habang lumalantak ng mga pagkain. Madamot ba kamo ang kumpanya nyo at walang mai-setup na kainan?!?
Hintayin na lang ang break time (sana, mahaba-haba ano) at mag-hunting ng bukas pang food establishment, busugin ang tiyan pagkatapos at mag-piktyuran one-to-sawa!
Higit pa sa pastime, huwag pa rin kalimutan ang tunay na diwa ng Semana Santa... at saglit na mag-alay ng panahon para sa Kanya.
Kung bawal ang mga nabanggit sa inyong lugar, chitchat muna kayo sa pantry habang lumalantak ng mga pagkain. Madamot ba kamo ang kumpanya nyo at walang mai-setup na kainan?!?
Lunch @ Buddy's Restaurant Timog Ave., QC: (from left) Toni, Doy, Wils, Carly, Ms. Ana Marie, and Jon |
Hintayin na lang ang break time (sana, mahaba-haba ano) at mag-hunting ng bukas pang food establishment, busugin ang tiyan pagkatapos at mag-piktyuran one-to-sawa!
Higit pa sa pastime, huwag pa rin kalimutan ang tunay na diwa ng Semana Santa... at saglit na mag-alay ng panahon para sa Kanya.
No comments:
Post a Comment