All good things come to an end, pihado sa mga sandaling ito ay dumarami muli ang mga nagfi-Friendster-- baka nga nagkaka-traffic na. Ang dahilan ay ang napipintong 'pagsasara' ng unang nakahumalingang social networking site ng maraming Pinoy ng dekadang ito.
Taong 2002 nang i-launch ang Friendster... around 2006 yata nang ako'y magkaroon ng account. Last year, binura ko na iyon dahil sa matagal na rin akong walang maintenance doon at sa halip, nag-concentrate na lang sa Facebook. Hindi ko na matandaan kung bakit ako nag-switch o bakit mas pinili ko ang FB.. marahil, dahil mas user-friendly ito kesa sa FS.
A blogger Dominique Anne had shared her long list, explaining the exodus of FS users patungong FB... kabilang diyan ang concern sa madaling maburang shoutouts at buhos ng spam sa bulletin boards at message inbox.
May punto rin si Anne na marahil, isa sa mga nakaapekto sa ating pag-switch sa FB ay ang pagbabago sa ating goal sa pagsali sa social networking site.
Dati kasi noong FS time pa, ang hangad lang natin araw-araw ay makarami ng friends-- kahit wala talaga kayong konek sa isa't isa... pero sa pagdating ng FB, naging major concern natin ang privacy, kasabay ng pagputok ng ilang issues, scandals at controversies sa social-networking.
Naging choosy tayo sa kakaibiganin.
On May 31, mawawala na ang nakagisnang FS dahil magre-rebranding sila bilang social entertainment site. The company is now asking its users to export all their profile data gaya ng friends list nyo, testimonials, photos, blog, at iba pa... dahil mabubura na ang mga iyon pagsapit ng May 31.
Iki-keep naman daw ng FS ang mga users' account at basic profile info... at malamang, pwede pa kayong bumalik sa pagbisita sa FS na magbabagong-bihis-- na matatadtad na raw ng games.
Ang magandang pabaon sa akin ng FS ay ang mga testimonial ng ilang ka-friendster ko. Take note: testi iyon na walang halong pilitan haha. Buti at nai-print out ko ang mga iyon bago ako nag-deactivate ng account. Naka-preserve na ang mga testi sa aking foto album hehe.
Higit pa sa pangha-hunting ng friends... gaya ng FB, nakatulong din sa media, citizen journalism, police investigations noon ang FS.
Sighhh.. ganyan talaga, uso-uso lang... pero at least, hindi maitatangging naging part din ng makulay na buhay ng mga Juan ang FS.
Thank you, Friendster.
No comments:
Post a Comment