Tuesday, January 13, 2009

McDO TVC: NAKA-RELATE AKO SA LOVE STORY (HEHE)

Have you seen the latest McDonald's TVC?

Ito po yung gumamit pa ng Eraserheads classic hit-- my favorite, Ang Huling El Bimbo.

In the said TVC, lalaki yung voice-over. He narrates his 'love story'.

Magkikita raw sila ng kanyang childhood/first-ever 'crush' ba (o 'sweetheart') sa kanilang fave hangout (alam nyo na kung saan).

Doon, nag-reminisce sa guy yung mga 'pinagsamahan' nila ng 'bestfriend' nya.


Yung image kasi ng guy sa TVC ay nerdy (bata pa siya pero nung lumaki, medyo-medyo na lang)... kaya, nakakatuwa siguro tignan siya (nung bata) na hila-hila pa siya ng kanyang 'girl-bestfriend' (nung bata pa sila) para maglaro.

Pero, lumipas na ang panahon, magkikita na ulit ang 'nerd' guy at yung kanyang childhood/longtime crush nya.

Excited sya...

eto, na... dumating na si babae... at muli siyang hinila nito mula sa pagkaka-upo nya sa table sa loob ng McDo.

Nope, hindi sila maglalaro-- kundi, much to the bida's surprise, ipinakilala na agad sa kanya ng babae yung kanyang family.

sad...

Pero, sabi nga nung guy nang sila'y magsimulang magkwentuhan ng babae (with her hubby), hindi bale.....
mananatili pa rin sa kanyang puso ang kanyang 'first love.'

Parang ako lang hahaha

1 comment:

Allen Yuarata said...

This is one of the best I've seen so far.

I have an article about this too. visit me if you have time. good day.