Monday, November 24, 2008

NAPAPANAHONG USAPIN

Nasa ibaba ang isang friendly-reminder ad.

Patungkol ito sa babala sa mga posibleng kahinatnan natin kapag may nainom o nakain tayo na kontaminado.

'Ika nga 'masahol pa sa mabahong pururot'-- dalawa lang yun, ospital o sementeryo.


Nitong mga nakaraang araw di ba, nabalitaan natin ang hinihinalang cholera outbreak sa Tagaloan, Misamis Oriental at hinihinala namang tipus outbreak sa Real, Quezon.

Lahat ng mga naturang sakit, sinasabing nag-ugat sa kontaminado raw na inuming-tubig ng mga apektadong residente.

At hindi lang iyan, nitong weekend nga ay napabalita ang pagtatae ni First Gentleman Mike Arroyo habang nasa biyahe kasama ang Pangulo na patungo sanang Peru.

Mukhang grabe ata ang diarrhea ni FG, paano kasi, nag-emergency landing pa sila sa Japan.

Sinasabi namang dahil sa kinain na 'steak' ng Unang Ginoo kaya siya nagkatae-tae.

No comments: