Friday, November 21, 2008

THE SECRETARY'S PRAYER

Last Tuesday, hot news item ang 'opening prayer' ni Pres Sec. Jesus Dureza for their meeting with President Arroyo.

Seemingly, Madame President was 'shocked' or 'surprised' sa dasal ni Dureza which implies 'gabayan pa ng Maykapal ang ating Pangulo sa kanyang paglilingkod sa bansa hanggang sa matapos ang termino nito sa year 2010...and perhaps, beyond...'

Halos malunod sa hiya ang Pangulo habang ang mga nakatutok namang taga-press ay nagsimula na ring rumatrat ng sunud-sunod na litrato rito.


Sabi ni Dureza, personal nya iyong wish--- ika nga, walang kokontra. Buti na lang daw hindi naman siya sinabon ng Pangulo.

Pero, kung babasahing mabuti ang mukha ni Pangulong Arroyo, parang di siya totally nahiya kundi parang natuwa pa.

Hmm, sabi nga nga ilang critics ng kanyang administrasyon-- 'scripted' ang lahat para muling maungkat lang ang isyu ng charter change.

Sa akin, hindi big deal ang cha-cha... wag lang maging tool ito para sa extension ni Gloria.

No comments: