Friday, November 28, 2008

CHRISTMAS QUEUE


Mainipin ako sa pila... sa mahabang pila.

Kaya nga, hanggang ngayon-- wala pa rin ako SSS ID o maski voter's ID dahil nakakaburyong ang mahabang pila sa mga ahensya ng gobyerno tapos kung kelan kausap mo na ang cashier, ituturo ka sa ibang opisina.

Arghhh...

Syempre, kaya ko namang magtiis kung kinakailangan na.

Just what I am expecting less 5 days before Christmas kung saan maibibigay ang bonus natin [meron ba?].

Erase-erase-erase... sana, make it earlier pa, ano po?

Ang hirap pumila sa ATM o sa bangko mismo sa ganitong panahon.

Tapos pag turn muna...

&*#@$!!&P*%!!
Naubusan na ng pera ang kaha!

Well, sabi ng banks yesterday, hindi na raw mangyayari iyon.

Hayy.. eto nakakuha ka na ng pera... namili ka sa Divisoria man o sa mall-- just less 5 days na nga lang before Christmas... aabutan mo naman ang mahabang pila rin sa cashier!

At kung tatamarin ka pa na magbalot para pang-Christmas gift mo, asahan mo na rin ang long queue sa gift-wrapping section!

Yeow...
Magha-hatinggabi na nang matapos ka sa shopping... nakakain ka na rin ng dinner sa stall ng sosyaling kwek-kwek doon [alibi-- no time ka na kasi sa fastfood] kung saan nanggaling ka rin sa pilahan.

Going home?
Pila ka muna sa FX o jeepney terminal dahil mas mamalasin ka pa kung sasalubong ka sa mga PUV na bumper-to-bumper din naman sa kalsada, gawa ng sumisikip na traffic.

December 25, Christmas Day
Nakahinga ka na ba nang maluwag bunsod ng Christmas rush?

Heto ang pahabol--
pila ng inaanak mo!

Mamamasko po!!!

No comments: